KABANATA 7

3 0 0
                                    


Calistair's POV

"Isang white cheese chicken lasagna, grilled cheese pizza, at tsaka oven-baked 5 cheese fries."

Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa menu at nag-oorder. Napangiti ako habang tinitignan siya. Wala talaga itong pinagbago. Napakatakaw pa din niya.

Akala ko hindi na ako makakalusot kanina dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Mabuti na lang at nagopen ako ng panibagong topic at nakalimutan niya ang tungkol doon.

Naalala ko pa yung araw na nalaman kong mahilig siya sa keso..

*FLASHBACK*

Naglalakad ako sa park habang may bitbit na bag. Naglayas kasi ako sa amin. Dahil nag-away na naman si mommy at daddy. Nalaman kasi ni daddy na may kabit si mommy. Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Napaupo ako sa may upuan doon napayuko at humikbi.

Nang biglang may marinig akong maliliit na yapak na palapit sa akin.

"Bata! Bata! Ba't ka naiyak?" Boses ng isang batang babae ang narinig ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko. At umangat ng tingin sa kaniya. Isang mukha ng batang mukhang mataray ngunit maamo pa din tignan ang nakita ko.
Hindi ko napigilan pagmasdan ang mukha niya.
Ito ang unang beses na nagandahan ako sa isang babae. Kahit magaganda din naman ang mga kaklase ko sa school.

Kulay brown ang mga mata niya. Ngunit napakaganda ng pagkabrown 'non lalo na kapag nasisinagan ng araw. Mahaba at natural na medyo kulot ang kaniyang buhok. Kulay brown din ito. Ngunit bumagay naman ito sa kaniyang mukha. Mahahaba din ang mga pilik-mata nito, matangos ang ilong at maninipis ang kaniyang labi. Maputi din siya ngunit hindi maputlang tignan.

"I'm not crying. I'm fine." Ngumiti ako dito.

"I know dat you're crying. Hmp. Mommy said that liars go to hell." At nagcross arms pa ito at masamang tumingin sa akin.

"Oo umiiyak na ako. Teka, ilang taon ka na ba bata?"

"4." Sabay inilapit nito sa aking mukha ang apat na daliri niya. Napatango tango naman ako dito.

"Halika, ibibili kita ng ice-cream para di na ikaw sad. Kasi ako ibibili lang ako ni mommy ng ice-cream tapos di na ako naiyak." Sabay hinila ako nito papunta sa isang tinderong nagtitinda ng sorbetes.

Dire-diretso na din ito magsalita kaya halos di ko naramdaman ang tatlong taong agwat namin.

"Kuya, apat na ice cream po, cheese flavor." Ngiting ngiting sinabi nito sa tindero.

"Tig-dalawa tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Isa sayo, tatlo sa akin." Sabay dila nito sa ice-cream na kakaabot pa lang sa kaniya.

'Ang takaw naman nito.' Bulong ko sa aking sarili.

"Bakit naman tatlo ang sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

""Eh kasi paborito ko 'to! At balang araw makakakain din ako ng maraming maraming keso. Pupunta ako sa palasyo na puro keso ang pagkain at ikaw ang kasama ko doon ha! Ikaw ang magdadala sa akin don!"

Umikot ikot pa ito habang hawak ang kanyang bestida na parang umaaktong isang prinsesa. Napangiti ako dahil kahit para siyang baliw ay ang ganda niya pa din tignan.

Natawa ang tindero sa kaniya.

"Mag boypren at girlpren ba kayo mga bata? Naku, ang babata niyo pa!" Sabi ng tindero agad naman kaming sumagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who are you? (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon