JODY
pansamantalang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng nakita ko ang kanyang mukha.
syete! ang ganda nga nya sabi ko sa aking isip.
ang tangos ng ilong, ang lips nya na makipot na parang ang sarap halikan
at higit sa lahat ang mga mata nya na medyo singgkit.kaso mukhang mataray...
buong akala ko kc ang kausap ko ay isang lalaki.
nagkanda bulol bulol pa ako sa paghingi ng sorry.
para maiwasan ang sobrang pagkapa hiya sa harap nya ay tinalikuran ko na rin sya upang makikipag ayos sana ako sa mga enforcer nang mahagip ng mata ko ang kanyang motor.
hmmm.. parang natatandaan ko na tong motor na to, saan ko ba to nakita tanong ko sa sarili ko.
aha! parang eto yung motor na muntik nang makabangga sa akin kaninang umaga.
bigla ko tuloy naalala ang kayabangang taglay nung driver.
kaya ang ginawa ko, umupo ako sa motor, dun ko sya aantayin at kokomprontahin ko kung sya nga ang driver na muntik ng gumalos sa akin.
habang naghihintay ako, nanalamin muna ako sa side mirror nya, syempre maganda ang kakausapin ko kaya kailangan maging maganda rin ako sa kanyang paningin... charot!!
ehem..... rinig kong sabi nya, pero di parin ako kumikilos, dedma kunyari
ehem... ehem... ulit nya.
ay mam, may ubo po ba kayo or makati lalamunan nyo may tinda din po silang muriatic acid pantanggal ng bara sabi ko na di man lang sya tinitingnan.
di ko rin alam bakit yun ang nasabi ko wahahhaha...
anong sabi mo? anong gagawin ko sa muriatic acid? sabi nya na parang takang taka.
wala! sabi ko sabay alis sa motor nya.
wala pala eh, syanga pala paki bigay nalang to kayla sir sabay abot nya ng 200.00
para saan yan? tanong ko pero di ko pa rin kinuha yung perang inaabot nya.
edi, pang meryenda nila sir enforcer
Paki abot na lang sa kanila sabi niya.Ayy, no need na miss yabang, keri na ng powers ko un, wag ka nang mag abala pa.
Anong miss yabang? Sino mayabang?
Paki ulit mo nga yang sinabi mo ms. Shunga shunga sabi nya na parang nang aasarSinong shunga shunga yang tinutukoy mo ha, ako ba? Sabay turo ko sa sarili ko,
Sa tingin mo sino ba kausap ko sabi niya habang inaayos na maisuot ang kanyang helmet,
Hoy, ms. Yabang for you and for me, im not shunga shunga baka ikaw un, nag park ka nga dito eh bawal nga
so, sino ngayon ang mas shunga sa ating dalawa?Malamang, mas shunga ka dahil basta basta ka na lang tumatawid nang hindi muna tumitingin sa kaliwa or kanan mo, di mo nga tinitingnan kung may paparating na sasakyan, basta ka na lang tumatawid, mataray nyang sabi habang pinapagpagan ang upuan ng motor nya na inupuan ko.
Ahhhh, ikaw nga!
Ikaw nga yung mayabang na rider kanina na muntik nang gumalos sa mapuputi kong legs.
at ikaw din yung rider kanina na napaka yabang mag paandar, akala mo pag aari mo yung kalsada sa tapat ng bahay namin, naiinis kong sabi sa kanya.
Eh, anong paki mo kung ako nga!
Sabi nya habang inaayos niya ang mga side mirrors nya at i ni start na ang kanyang motor.Omg! Your getting into my nerves ms. Yabang, hindi ka lang pala mayabang no, ang askad pa ng ugali mo, kung anong ganda mo sing pangit naman ng ugali mo,
Mag sorry ka skin ngayon din, utos ko sa kanya!
At bakit naman ako mag sosory sa isang katulad mo ha, at sa lahat ng sinabi mo sa akin ngayon isa lang ang patototohanan ko, oo maganda talaga ako, at mabait din ako depende sa kausap ko! Sabay paandar ng kanyang motor at umalis ng walang pasabi.
Ang yabang mo!!! Sigaw ko sa kanya.
Wala na nasira na ang araw ko dahil sa mayabang na yun.
Kaya bumalik na lang ako sa loob ng tindahan para asikasuhin ang mga benta ko, wala akong panahon para pag aksayahan ng oras ang taong mayayabang.
Lumipas ang tanghali hanggang sa naging hapon na, ang oras na pag bugso ng mga costumers namin.
Naging abala naman kami sa pag eestima sa mga bumubili sa amin.
Nakakapagod, ang pag titinda nakakangawit ang ngumiti ng ngumiti sa mga costumers pero keri lang sa klase ng hanap buhay ko kailangan kong maging magiliw sa aking mga suki, dahil kung wala sila wala akong pera. Hahahahaha
_________________________________________
Happy reading guys! :-)
#LadyBoss
YOU ARE READING
Crazy Hearts
Storie d'amoreMay isang tao na talagang itinadhana para sayo, kaya kapag dumating na siya sa buhay mo, wag mo nang pakawalan pa. Ganyan ang mangyayari sa buhay pag ibig ni jody at kim. Mag uumpisa ang lahat sa pagiging mala aso't pusa nilang bangayan hanggang...