"oh, wag malikot ha sandali lang ito parang kagat lang ng langgam, staka sandali lang mawawala din agad yung sakit" pag bibigay assurance ko sa batang kukuhanan ko ng dugo para ma test kung may dengue ba siya o walahindi po ba yan sobrang sakit miss nurse?
Tanong sa akin ng cute na cute na batang kausap ko
"ay hindi naman ito sobrang sakit babyboy, mawawala din agad ang sakit nito"
tugon ko sa bata habang pinapahiran ko na ng bulak na may alkohol ang parte ng kanyang braso
sabi po kasi ng tita ko sobrang sakit daw po staka itutusok ng madiin daw po ung malaking karayom at hihigupin daw po lahat ng dugo, totoo po ba yun?
nagulat ako sa sinabi ng bata, bakit naman ganun ang sinasabi ng tita niya sa kanya, dapat hindi ganun para hindi matakot ang mga bata sabi ko sa isip ko
"ay wag ka maniwala sa tita mo hindi totoo yun, tinatakot ka lang niya siguro, gawin na natin ha para malaman mo na hindi totoong sobrang sakit ang injection"
"sige po miss nurse pipikit na lang po ako para di ko po makita yung dugo"
at ayun na nga dahan dahan ko nang ininject sa kanya at para matapos na ang session namin,
Sa awa ng Diyos hindi ako nahirapang kuhanan ng dugo ang bata dahil naging cooperative naman siya
"oh ayan tapos na babyboy, ano masakit ba? "
"opo, sa una lang po masakit pero totoo po hindi po super sakit kagaya po ng sinasabi sa akin ng tita ko"
"kaya dapat wag ka matatakot everytime na magpupunta kayo sa clinic or hospital, kapag kailangan ka injectionan magpa inject ka ha wag ka matatakot at wag kaiiyak para hindi rin kami mahihirapan na injectionan kayong mga bata"
mahabang sabi ko sa bata habang inaalalayan ko siyang makababa sa upuan at para makabalik na sa mommy niya na nag aantay sa labas.
"mommy! mommy! im done na po
hindi po masakit ang pag injection sa akin ni miss nurse" sabi ng bata habang papalapit sa mommy niya,"ang tapang po ni babyboy mommy di po siya umiyak or natakot man lang, keep it up baby boy!
sabay thumbs up ko sa bata,
"mam, doon na lang po muna kayo sa waiting area, tawagin na lang po ang name ni babyboy para po sa result, thank you po mam"
magalang kong sabi, at sinuklian naman ako ng isang ngiti ng ginang at tinahak na nilang mag ina ang waiting area.
BREAKTIME/CANTEEN
ano na nurse kim? kmsta na yung motor mo, maayos na ba ang takbo? Pwede na bang ilaban pang karera? tanong sa akin ni alex, isa sa mga nurse na kasama kong naka duty
Ok naman na Lex, pina tune up ko at pina ayos ko ung break kahapon, sagot ko sa kanya habang kumakain ako ng adobong paa na pinabaon sa akin ni ate
Ahhh dapat kasi sagutin mo na si doc para naman may mag hahatid at mag susundo na sayo, tuwing papasok at uuwe ka galing trabaho, at sa ganun hindi ka na napapagod sa pag da drive pauwe, tapos may personal driver ka pa, gamit pa ang kotse ni doc hahahhaha!
Mahimik ka nga jan lex, kung gusto mo, kayo na lang ng doc mo hahahah di ko kailangan ng driver noh, at naeenjoy ko ang pag jojoyride ko mag isa, kaya wag mo nang i push sa akin yang doc mo hahahaha gsto mo kayo na lang hahahah,
Sabay tayo ko dahil tapos na akong kumain,
Oh sige lex mauna na ako sayo ha kasi mag rorounds pa ko i check ko ung swero nung pasyente ko sa ward#2,
walang nagawa si alex kundi tumango na lang hahaha!
ehem, kahit naman ganito ako may isang doctor na nag kakagusto sa akin at nag papalipad hangin ng mga mabulaklak na salita, in short may doktor na nag kakakras sa akin, oh di ba ang taray ko hahahha!
Kaso, sorry na lang doc at wala pa talaga akong balak mag paligaw or pumasok sa masalimuot na mundo ng pag ibig hahahah,
masalimuot talaga?
Oo para kasi sa akin eh, nakakasira ng plano or pangarap ang pakikipag boyfriend. kasi pwedeng mahahati na ang atensyon ko, sa mga pangarap ko sa buhay at sa lalaking mapalad na magiging nobyo ko, hanggat maaari ayaw ko muna dahil gsto ko pang matupad ang pangarap ko na makapag trabaho sa ibang bansa😍 syempre bilang nurse, kaya ekis muna sa akin ang lablife focus muna ko sa career at goal ko sa buhay😁
ANO BA PAKI NYO YAN ANG GUSTO KO HAHAHAHA! ✌✌✌
_________________________________________
A goal without a plan
Is just a wish
Ladyboss

YOU ARE READING
Crazy Hearts
RomanceMay isang tao na talagang itinadhana para sayo, kaya kapag dumating na siya sa buhay mo, wag mo nang pakawalan pa. Ganyan ang mangyayari sa buhay pag ibig ni jody at kim. Mag uumpisa ang lahat sa pagiging mala aso't pusa nilang bangayan hanggang...