kim

82 2 0
                                    

hello sa mga makukulit kong pamangkin, na mis kayo ni tita,
sabi ko sa dalawang batang nasa aking harapan, at sabay buhat kay jaja mula sa kanyang kuna.

hmmmm.... bango bango naman ni baby jaja namin amoy baby talaga.

tata! tata! sabi naman ni joey tipong gusto din magpabuhat.

kaya lumuhod ako at iniakap ko sa kanya ang isa ko pang kamay at sabay kiss sa kanyang pisngi habang buhat ko din si baby jaja.

sa ganung ayos kami naabutan ni ate.

hoy! kimberly pede ba magbihis ka muna bago mo harutin yang mga anak ko, galing ka pa sa byahe puro alikabok pa yang katawan mo tapos aakap akap ka sa mga anak ko. sabi ni ate sabay kuha sa aking ng dalawang bata.

arte mo naman ate! namis ko lang mga pamangkin ko, masama ba? sabi ko sabay upo sa sofa.

kapag ako nag karoon ng anak, kahit bagong ligo ka di mo mahahawakan at mahahalikan, sabi ko habang nag huhubad ng aking mga sapatos.

hoy! hoy! hoy! kimberly, jowa muna hanapin mo bago ka mangarap ng mga anak. sabi ni ate sa tonong parang nanenermon.

fine! fine! fine! sabi ko kay ate with matching taas pa ng kamay na parang surrender na ako,

kapag about na kasi sa jowa ang topic talo ako kay ate wala akong panalo.
eh paano totoo naman, gusto ko nang mag ka baby tulad nya kaso ni bf or jowa wala ako.

by the way im kim, 27yr sold registered nurse sa isang pribadong ospital. nakapag tapos ako at narating ko ang pangarap ko dahil sa sarili kong pag sisikap.. naging working student ako sa mahabang panahon para matustusan ko ang aking pag aaral. ulila na kami sa mga magulang ng ate ko. maaga silang kinuha ni Lord sa amin.

Ang ate ko naman ay maagang naka pag asawa sa edad nyang 23. at kailan lang sila nabiyayaan ng mga anak. mabuti na lang at naka tagpo sya ng lalaking responsable, mabuting tao, bilang kanyang asawa at ama ng kanyang mga anak at sobrang tapat sa lahat ng bagay.

ganyan din ang pangarap ko, makatagpo ng mamahalin na kaya akong intindihin at tanggapin sa kabila ng mga ugaling meron ako. gusto ko rin ng may paninindigan. at higit sa lahat gusto ko ay tapat.

tsk! kaso sa panahon ngayon, tanghali na lang ang tapat!

oh ano kim, tutunganga ka na lang ba jan oh mag bibihis ka para maalagaan mo na mga anak ko hahahaha... sabi ni ate habang nakangite at taas baba ang mga kilay.

bibili kasi ako ng mga diapers nila ubos na mga suplies kaya bantayan mo muna sila kim, pagsusumamo ni ate.

ahhh ate ako nalang kaya, kasi balak ko ding lumabas, para ipa tune up yung motor ko. papaayos ko din yung busina mukhang mahina eh,, tsk! muntik pa ako maka bangga ng isang shunga shungang tumatawid na babae kanina.

pagkatapos ko punta sa shop, daan ako sa market ako na bibili ng mga diapers nila, ilista mo lang at ako na bahala pati sa pambili sabi ko kay ate.

sa shop na naman? di ba kagagaling mo lang dun nung nakaraang araw tapos babalik ka na naman?

siguro my natitipuhan kang mekaniko dun ano? kinikilig na tanong ni ate.

atat lang teh? ipagagawa ko yung busina at parang mahina! di ata naririnig ng nga tao sa kalye.

ahhhh akala ko may binabalikan ka sa shop eh, hihihi!

hay naku teh wag na nga lang di na ako bibili ng diapers ng mga anak mo ikaw na lang, hintayin mo na lang ako maka balik dito sa bahay sabi kong naiinis na kay ate.

ay sorry naman cge na eto maglilista na ako. ano oras ka ba aalis?

ngayon na, magbibihis lang ako sa kwarto. at tumayo na ako at dere derechong pumasok na sa aking kwarto.

pag kapasok ko sa kwarto ko umupo muna ako sa gilid ng bed ko at nag isip. kung ano nga bang klaseng jowa ang makaka for ever ko hihihi...

habang nag iisip, nag tanggal na ako ng leather black jocket ko at isinampay.

isinunod ko na ang t shirt ko at pants. habang dahan dahan kong hinuhubad yung pants ko, napatingin ako sa legs kong maputi.. oo maputi naman talaga dahil lagi akong naka pants bihira mag shorts kaya napanatili ko ang kaputian.

"pasalamat ka at di mo talaga nagalusan ang mapuputi kong legs, kung hindi yari ka talaga sa future lover ko"

bigla kong naalala c mis shunga shunga ahahahha...

"sorry sya mas maputi ang legs ko kesa sa kanya" nangingiti kong sabi hihihi..

ate... aalis na ako akina listahan ng mga kailangan nila sabi ko.

oh eto na kim, bigay mo lang yang papel na yan at alam na ng tindera yan, dun ka bumili sa tabi mismo ng goldilocks, mas mura kc dun staka suki na nila ako, dalawa kc silang may titinda dun... sabi ni ate na akala mo bata lang ang kausap.

ok. yan lang ang sinabi ko.

SHOP

ano maipag lilingkod ko sa inyo sir?
sabi ng isang mekaniko.

ahhh pa tune up ko tapos paki check battery at yung busina ko, sabi ko habang tinatanggal ko ang suot kong helmet.

ay sorry po mam, babae po pala kayo, akala ko kasi lalaki po
hingi ng paumanhin ni kuyang mekaniko habang kamot kamot ang kanyang ulo.

ok lang, sanay na ako. cge na kuya paki asikaso na yung motor ko medyo nag mamadali kasi ako ngayon sabi ko.

after 1hour ay naka alis na ako sa shop.

wooohh ganda na ng takbo, ang bilis ng hatak, tas yung busina mo pa malakas na, kung saka sakali malayo pa lang tayo rinig na tayo ni miss shunga shunga hihihi...

natatawa kong sabi sa sarili ko habang nag da drive papuntang market.

Crazy HeartsWhere stories live. Discover now