Kim
Hmp! kababaeng tao napaka hambog akala mo kung sino, naiinis kong sabi habang bumabiyaheng pauwi sa aming bahay. Bakit kasi ako pa nag presinta sa ate ko na bumili ng mga diapers ng mga anak niya, nasira tuloy ang araw ko!
Habang nag mamaneho ako ng aking motor pauwe, nakikita ko pa rin ang itsura ni ms. Shunga shunga, sa aking isipan, oo nga may kaputian nga siya at ang cool niya tingnan sa suot nya. naka shorts lang at rubbershoes, maputi nga talaga ang mga legs niya, at ang mukha niyang parang bata, matambok na pisnge at ang dalawa niyang dimples na sobrang lalim, sa bawat pag sasalita niya ay lumalabas ang kanyang mga dimples, hmmm... Yun lang mukhang bansot hihihi natatawa nalang ako sa aking isipan.
Hay naku, erase! erase! erase! Hindi ko dapat siya iniisip dahil napaka gaspang ng ugali, napagkamalan nya pa akong lalake, ohh no!
Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa aming bahay dahil sa kakaisip sa babaeng yun😂
Pag ka parada ko nang motor ko sinalubong na ako ni ate, at kinuha na ang mga pinamili kong diapers
Ay verrygood kim at tama ang mga nabili mo, salamat ha sa uulitin uli sabi ni ate na nakangiti.
Hay naku ate last ko nang bili yan at hinding hindi na ako babalik sa tindahan na yun, babantayan ko na lang yang mga anak mo, sabi ko kay ate
Oh bakit naman? balik na tanong ni ate sa akin
Eh, paano sobrang dami nang mga bumibili duon ang tagal kong nag antay muntik pa akong mahuli ng mga enforcer dahil nag park ako sandali sa harap ng tindahan, bawal pala duon
Ano kamo hinuli ka ng mga enforcers?
Sabi ko ate, muntik na akong mahuli, buti na lang sinagot ako nung mayabang na tindera dun kaya di na nila ako tinikitan naiinis kong sabi
Mayabang na tindera? tano g uli ni ate sa akin
Oo ate sooobraaang yabang kala mo kagandahan!
Eh puro lalaki ang nagtitinda duon eh
Ahh, basta ate may babae dun na napakadaldal at napaka yabang akala mo kung sino kala mo tauhan nya ung mga enforcers dun kung makaasta nakaka irita nga eh,
Ahhh baka ang tinutukoy mo si jo, hahaha hindi siya tindera dun siya ang may ari ng tindahan kim.
Ahhh kaya pala ang yabang! Siya pala ang may ari!! Inis kong pabulong habang papasok sa loob ng bahay.
Eh, bakit ba mukhang inis ka dun sa tao eh napaka bait kaya nun,
lagi kaya ung naka smile sa mga bumibili sa kanya at ang bata pa niya pero pag nenegosyo na agad ang inaatupag,
hmmm, mukhang close kau ahh magkapatid ba kau ha? Pang aasar kong tanong kay ate
Baliw, natural suki ako nun kaya madalas kong nakakakwentuhan yun kapag bumibili ako sa kanya, at eto pa wala pang boyfriend, bussiness daw muna ang priority niya, sabi nga niya may pinapatayo daw siyang mga apartment para daw kahit di na uso ang mga diapers eh kikita pa rin siya hahaha sabi ni ate habang natatawa
Aysus ang sabihin mo ate, kaya walang boyfriend kasi walang gustong manligaw dahil sa kayabangan at kadaldalan, kung ako man ung lalaki iba na lang ang liligawan kaysa naman sa kanya hmp!
Hay naku ewan sau masyado kang nega dun sa tao eh wala namang ginagawang masama sayo, buti nga si jo may plano at pangarap sa buhay eh ikaw, ano plano mo, ang maging nurse habang buhay, tandaan mo kim walang yumayaman sa pagiging nurse, pero sa pag nenegosyo malaki ang chance mong maging milyonaryo! Sabay talikod ni ate sa akin hahahha na pikon ata, kaya sinundan ko siya sa kusina
Akala mo lang wala ate pero meron meron meron! pang aasar ko sa kanya
Hay naku kim kumain na nga tayo di ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko
Hay naku ate mabuti pa nga kumain na tayo at gutom na ako.
________________________________________
Pagkatapos naming mananghalian ni ate ay naligo na ako at dumeretsho na ako sa aking kwarto para matulog dahil mamayang 8 uli ng gabi ang pasok ko, pang night shift kasi ako
Pabaling baling ako sa higaan ko at hindi ako dalawin ng antok
Ano ba yan gusto ko nang matulog pero bakit di ako makatulog, kapag pumipikit ako pagmumukha ni
ms. Shunga shunga ang nakikita ko,Peste! hanggang sa pag papahinga ko ginugulo pa rin ako ng babaeng yun!
Eh ano naman kung may negosyo na siya pake ko!
Eh ano naman kung may ipinapatayo na siyang mga apartment nya, ano uli pake ko?
Parang tanga tuloy ako na kinakausap ko ang sarili ko, at sumasagot din naman ang sarili ko ahahahha naloloka na ata ako!
Pero sa totoo lang kahit sa kwento lang ni ate medyo napa bilib naman ako ng konte, sa kabila ng kayabangang taglay niya ay may maganda pala siya plano sa buhay niya, ang astig!
_________________________________________
Para sa kaisa isa kong reader na nagungulit ng update ko hahaha eto na sana natuwa ka kahit papano😂
@payn25
#LadyBoss
YOU ARE READING
Crazy Hearts
RomanceMay isang tao na talagang itinadhana para sayo, kaya kapag dumating na siya sa buhay mo, wag mo nang pakawalan pa. Ganyan ang mangyayari sa buhay pag ibig ni jody at kim. Mag uumpisa ang lahat sa pagiging mala aso't pusa nilang bangayan hanggang...