WALANG TAYO!!!..

61 4 0
                                    

Walang tayo
By:Cordano Marlou

"Walang tayo" dalawang salita na may sampung letra na napakalaki at napaka lalim ng ibig sabihin. Tulad ng pag hanga ko sayo at pag tanggap mo sakin. At Lahat ng ginagawa at pag uusap natin binigyan ko kahulugan.

At lahat ng nangyayari ginagawa kong ala ala yon at sa bawat araw,panahon,Oras,minuto,segundo na kasama kita lahat yom sinusulit ko ginagamit ang aking mga mata upang makuhanan ka ng litrato sa aking isipan na kung sa ganon ay makagawa ako ng isang munting ala ala.

Ala alang kay tamis. Ala alang masarap balik balikan.Lahat ng iyon di ko kinakalimutan tulad ng pag mamahal na ipinaramdam mo sa akin.Mga pag aalala pag aaruga kapag ako ay may sakit mga payo mong walang kasing bangis mga salita mong walang kasing tamis.Mga pag uusap na talagang napakasaya.

Hindi na nga kumpleto ang aking araw kapag ikay aking di naka usap o nasilayan dahil para kang liwanag sa aking munting mundong napaka dilim kapag walang ikaw.Dahil ikaw mismo ang bumuhay muli ng saya.Ikaw muli ang bumuo sa pusong kong dati'y nadurog.

At ngayo'y sa iyo'y nahuhulog. Kapag may kasama kang iba galit ang aking nadarama. Kapag nakita kong masaya ka kasama ang iba sakit ang nadarama dahil di ako ang dahilan ng iyong tuwa. Kapag sinaktan ka ng mahal mo gusto kong basagin ang kanyang muka dahil ayaw kong nasasaktan ang mahal ko.

Ngunit mahal ko bigla akong nagising sa katotohanan na walang tayo. Na ang lahat ng ito'y ilusyon ko. Na ang pag papalitan ng ating mga matatamis na salita ay walang ibig sabihin. Ang pag mamahalan nati'y pang kaibigan lang. Na ang pag aalala mo'y gawain lamang ng isang kaibigan. Ang sakit lang na isipin at malaman ang katotohanan na WALANG TAYO.

Wala nga palang tayo. Pag pasensyahan mo kung umiral na naman ang pangangarap ko kase minahal kita kahit alam kong hindi naman dapat dahil alam kong mas mahal mo sya. At ako? Eto nandito lang na nag mamahal paren sayo kahit alam kong kaibigan mo lang ako.

Oo kaibigan mo lang ako kaya. Wala nga pala akong karapatang magselos. Wala akong karapatang magalit kung sya lagi ang pinipili mo. Wala akong karapatan kung sya ang mahal mo kase. Nandito ako sayo bilang kaibigan mo.

Walang tayo.........

Spoken..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon