kahapon...

34 3 0
                                    

Mga masasayang ala ala ng kahapon na di na maari pang balikan. Mga nakaraan na kay tamis mga nakaraan na mahirap pantayan. Mga kahapong ala ala na masarap balikan

Ngunit Walang sino man ang makakabalik sa kahapon lalo na kung may iba kanang
mahal lalo na kung di na ako ang iyong ala ala at di naren ako naaalala.

Ngunit Hangang saan? At Hangang kelan nga ba mangangarap na muli pang maibabalik ang mga nakaraan na alam ko  naman ang kasagutang di na pwede pang balikan. Hindi na pwedeng balikan ang lahat. Ang lahat ng meron tayo dati.

Katulad ng masasayang usapan. Pagpapalitan ng matatamis na salita. Pagpapalitan ng satilang mahal kita. Na ngayo'y tila napalitan ng mga masasakit na salita. Masasakit na salita tulad ng hindi na kita mahal,ayoko na pagod nako, may bago nako.

Ngunit kahit ano pa man ang sabihin. Ano pa man ang pananakit na gawin. Kahit mag paulit ulit na masaktan. Kahit paulit ulit na umasa. Kahit paulit ulit nalang ang lahat. Mahal ikaw paren ang nilalaman nito. Mahal ikaw paren ang natakbo sa isipan.

Mahal Siguro ito na nga yung panahon na dapat nakong mag paraya. Dapat na nakong tumigil. Dapat na nakong lumayo dahil alam ko na kahit kailan di kana sasaya saken dahil meron na kanang bago.

Bago mong mamahalin. Bago mong aalagaan. Bago mong iingatan. Bago mong pag kakatiwalaan. At yung bagong yon ay kailaman hindi na magiging ako.

Kaya mahal pasensya na ha kung masyado na pala akong naging mahigpit. Na masyado na pala kitang nasakal. Na masyado na pala kitang nasaktan. Na hindi ko na naisip na merong ikaw. Hindi ko na naisip na sobra na. Basta mahal kahit ano man ang mangyari nandito paren ako. Di ako magsasawa mahal ko. Masaya narin ako kung saan ka masaya.

Siguro sapat na ang tanawin kita mula sa kinatatayuan ko papunta sayo. Sapat na siguro ko na bantayan kita kahit na patago. Sapat na siguro ang palayain kita. Na kahit masakit tatanggapin ko narin. Dahil alam kong dun ka liligaya.

Yung ligayang walang humpay. Na alam kong siya na ang dahilan ng  saya sa iyong mga mata sya ang dahilan ng mga ngiti sayong labi. Siya na ang nakakausap mo bago matulog siya na ang lahat lahat para sayo. At alam ko na kahit kailan ako ay hindi na magiging siya😪

Hangang sa muli mahal ko Hangang sa muli nating pagkikita. At ito ako patuloy nalang makukukento sa pag alala sa mga kahapong sabay nating binuo.

Kahapong pinuno ng sigla at ligaya. Kaya hangang dito nalang siguro makukuntentong hangang alaala nalang ng kahapon ang lahat ng ito.

Ngunit mahal sana dumating ka parin sa kahapong merong tayo. Dahil nandito parin ako baka sakaling ika'y magbabalik.

Magbabalik at tuluyang lilisanin ang mga kahapon upang maumpisahan ang bukas...

Spoken..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon