KUMUSTA

26 4 0
                                    


"MUSTA" limang letra dalawang pantig yan ang gusto kong marinig mula sayo para bang binuhusan ako ng isang malamig na tubig ng kalangitan at biglang nag nanlamig ang aking pakiramdam parang sinasabing halika rito sa aking piling ika'y aking yakapin.

Isang masarap na yakap mula sayo habang kayakap ka'y hahagkan ka sa noo tulad ng nakasayan nating dalawa noon. Pero mahal mangyayari pa nga ba 'yon? Dahil ang mga ito ay parang KUMUSTA na madaling sabihin ng patanong ngunit hindi magawa dahil ako yata'y hindi na kilala.

Pagmamahalan nati'y nasaan tuluyan na nga bang nalimutan? O tuluyan mo nang kinalimutan? Aking sinta hangang ngayo'y naasa pa na ika'y makakapiling pa sa twina ngunit may isang salita ang sa aki'y nag papaalala na sa iyo'y  isa na akong abala.

May katanungang tumatakbo aking isipian. Kumusta kana mahal ko? Masaya kaba dyan sa iyong bago? Sana nama'y kapag ika'y ginago magising ka sa katotohanan na may tayo. Dahil yung tayo na iniwan mo para dyan bago nandito parin nag aantay na hindi mabigo. Dahil tulad ng iyong pinangako pagmamahala'y 'di mapapako.

Mahal may paasa pa nga ba? Na ang dating pagmamahahala'y muli pang magbalik? O 'di na maibabalik dahil unti unti ng naglaho? Mahal sana nama'y iyong maalala ang tamis ng nakaraang iyong iniwan at ang sakit ng yung pinaranas.

Mahal sana naman kahit meron kanang maalala mo parin ako. Maalala mo parin yung dating tayo na masaya,walang lungkot na nadarama ligawan na di nawawala tamis ng iyong mga halik at yakap mong napakainit na di nakakasawa dahil alam kong kapag kasama sa sinta ang mga ngiti at saya'y

Hindi nawawala dahil alam kong akin ka at akoy iyo dahil sa bawat oras na kasama alam kong napapasaya kita kahit sa maliit na paraan na aking nagagawa alam kong tatatak sayong mga muka ang ngiti mong matamis na talagang nakakamiss.

Sana sinta maaari kong ibalik ang mga
Nakaraan na para bang walang hangganan ngunit ngayon sinta dapat ko na sigurong tanggapin na sa bawat oras minuto at segundo ng iyong mga ngiti at saya kailama'y hindi na ako magiging parte ng mga ito na kahit dati'y ako ang dahilan nito. Kaya hangang KUMUSTA na nga lang yata ang lahat ng ito.

Kumusta kana mahal ko?

Spoken..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon