Bakit Kaibigan lang?

6 0 0
                                    


Bakit ganun ang tadhana?
Hindi mo alam kung saang direksyon ang tama,
Yung akala mong papunta ka sa tamang tao,
Ay mali pala kasi napaikot ka lang ng todo,
Sa paglalakad mo ng paulit ulit,
Di mo alam na dahan dahan ang puso moy napupunit,
Sa pag aakalang tama ang iyong daan,
Ay mapapadpad ka pala ulit sa lugar kung saan sakit ang mararamdaman, Bakit kasi ganun?
Nagbigay ka ng motibo,
Akala ko ang nararamdaman mo sakin ay totoo,
Pasabi sabi kapa na sayo lang ako,
Pero bat ganun?
Biglang nagbago isip mo?
Kung kailang nagtapat na ako sayo,
Saka mo sasabihin na wala kang gusto,
Ano yun?
Ansakit ng sinabi mo,
Na patawad kasi hindi mo ako sinalo,
Umasa ako ng lubusan,
Na sa pagamin ko'y may kasagutan,
Pero ano ang aking nadatnan?
Turing mo lang sakin ay isang kaibigan,
Bakit kaibigan lang?
Bakit sa isang salita na yan ay nasira ang aking mundo,
Bakit sa lahat ng pwedeng salita na ibigkas ay dun pa sa salitang mawawalan ka ng lakas, Salitang naging dahilan kung ako ba ay susuko,
O magiging matatag hanggang sa dulo,
Bakit kasi hanggang dun lang?
Dapat ba akong maging masaya dahil sa naging kaibigan kita
O dapat ba akong malungkot dahil sa kaibigan na lang ang turing natin sa isa't isa Bakit hanggang kaibigan lang?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon