Biruan

19 4 0
                                    

Biruan anim na letra pero sandamakmak na luha ang nagagawa

Nagsimula sa simpleng asaran na "mahal kita"
"ikaw lang ang aking sinta" ilan nga lamang yan sa mga matatalinhagang salita.

Mga salita na para bang makatotohanan na ang dating ngang birua'y unti unti naiiba.

Pati na nga sa pagising sa umaga ikaw agad ang kinakamusta
"mahal nag almusal kana ba?"

Hangang sa hating gabi magkausap na tila ba wala na ngang tulugan na halos wala nang pake sa oras.

At di nalalaman ang pauusap ay tuluyan nang lumalalim na.
"mahal matulog na tayo? "Madaling araw na pala"

Mag papaalam ngunit may mauumpihasan na namang bagong usapan. Hangang sa nagdaan na ang mga oras na tila sinulit nyo na ngang dalawa.

"Mahal umaga na pala matutulog muna ako saglit"

Ilan nga lamang yan sa mga biruan na nakasanayan na. At Tuluyan na ngang nalimutan na ang lahat ay biro lamang.

Yung tipong sineryoso mo na ang lahat ng mga bagay biruan nyo lang naman talaga.

Hangang sa dumating na nga sa punto na nagka aminan na at dito na nagkaalamang ikaw lang pala ang lumaban sa inyong dalawa.

Ikaw lang pala ang nagseryoso sa mga dapat ay biruan nyo naman talaga.

Tila pinagsukluban na nga ng kalangitan ng magising sa katotohanang biruan nga lang pala talaga.

Biruan tila naging totoo nga na. Tipong nahulog na sa mga salitang
"mahal tayo lang dalawa"

"Walang iwanan ha!"
Maayos naman ang lahat ngunit nagkalimutan na ang lahat ng pinagusapa'y biruan lang talaga.

Parang ito na nga ang sinasabing pinagtagpo pero hindi tinadhana. Kaya sana may pagmamahal na naramdaman

Habang tayong dalawa'y patuloy na nangbibiruan...

Spoken..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon