Chapter 2 - Alalay ni Mr. Badboy

31 15 0
                                    

Kaela's P.O.V

"Anything, you say? Hmm...I may have something for you to do." -Sabi niya saakin sabay ngiti ng paloko.

Patay kang bata ka! Ikaw kasi hindi ka nag iisip, kung ano nalang sinasabi mo, ayan tuloy napahamak ka pa.

Patuloy parin siyang nag iisip, akala niya na man kung gaano ka bigat yung problema. Eh sinabi ko lang naman na "boyfriend" ko siya, yun lang.

"Alam ko na."-Sabi niya at pumalakpak pa ang loko.

"You have to be my maid." -Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano?!"

"Maid, alalay, katulong...." -Hindi ko na siya pinatapos magsalita

"Gets ko naman, okay? Seryoso ka ba talaga?" -Hindi ko mapigilang magtanong sa kanya

Seryoso ba siya ha?! Ako? magiging alalay niya, pwes ayoko!

"Well, AYOKO!" -Diretso kung sagot sa kanya, ayoko maging katulong niya noh, baka kung ano-anong ipapagawa sa akin niyan, baka miyembro siya ng sindikato at madamay pa ako.

"Ayaw mo?" -Tanong niya, kailangan pa ba talagang ulitin ko?

"Bingi ka ba? Ayoko ko nga." -Pagpipilit ko sakanya

Nagsisikap nga akong mag-aral para maging mabuting owner ako ng business namin tapos sa pagsisikap kung mag-aral sa katulong lang ako mapupunta? NO WAY!

"Okay, madali lang naman akong kausap eh, sasabihin ko nalang sa kanila na nagsisinungaling ka." -Tumalikod siya sa akin at nag lakad palayo.

Teka, sasabihin niya pala na nagsisinungaling ako, hindi pwede toh.

Kung papayag ako my secret's safe, magiging alalay nga lang ako, if hindi ako papayag hindi ako magiging alalay pero sasabihin niya. UGHHHH!! Ang gulo!

"Hoy!Wait!" -Sigaw ko sakanya, hinabol ko siya dahil hindi talaga siya tumingin.

Hinila ko ang braso niya at saka humarap siya sa 'kin

"Mamaya nalang ah, may sasabihin pa ako sa lahat eh." -Tumalikod siya ulit, hindi ko na sinayang ang oras at nagsalita na ako.

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro." -Huminto siya sa paglalakad at humarap sa kin

"Sige...kahit labag sa loob ko, pumapayag na ako." -Sabi ko sa kanya.

Oh My! Kaela ano tong pinagsasabi mo?

"Talaga? Wala nang bawian ah." -Ngumiti siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng stock room.

"Teka, ano to ha?" -Di ko mapigilang magtanong sa kanya.

"Gusto mo bang mapaniwala sa kanila na mag jowa tayo? Pwes ako na ang bahala." -Hindi pa nga ako nakakasagot sakanya eh. Nalaman ko na nasa labas napala kami ng stock room at laking gulat ko na sobrang dami ng mga estudyante dito, hinihintay ba nila kami?

"Anong ginagawa niyo rito?" -Tanong ni Tristan sa kanila.

Biglang lumapit si Beatrice, siya ba ang nangunguna nito?

"Tristan, totoo ba? Girlfriend mo na tong cheap na to?" -Gigil niyang tanong.

Ako?! cheap, bulag ba siya? Nakikita niya ba sarili niya? siya nga itong palapit-lapit sa mga lalake kahit may jowa naman.

"Ano ba Beatrice? Uulitin ko pa ba ang sinabi ni Kaela? Oo Girlfriend ko siya, bakit may angal?" -pasigang sagot ni Tristan, grabe gangster ba siya? Grabe nakakatakot na siya ah.

Started with a LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon