Chapter 5 - Childhood bestfriend

19 3 1
                                    


KAELA'S P.O.V

Nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto namin.

Babangon na sana ako, pero hindi ako makagalaw.
Nagulat nalang ako na nasa tabi ko pala siya...si Tristan

"Tristan!" - Tinulak ko siya kaya nahulog siya sa kama, pero hindi parin siya gumigising, tulog mantika yata toh.

Bahala nga siya kung ayaw niyang gumising, basta ako mag e enjoy ako dito, bukas na kasi alis namin.

Tumayo na ako at lumabas na sa kwarto. Kung ayaw niyang mag enjoy pwes ako gusto ko.

Pumunta ako sa kwarto nila Kuya at sa girlfriend niya pero walang sumasagot, natutulog ba sila o...? Wag na nga lang.

Mag-isa nalang akong pumunta sa tabing dagat para maglakad-lakad, ang boring kasi.

Patuloy parin akong naglalakad ng nakakita ako ng batang babae at lalaki na naglalaro. Siguro magkaibigan sila.

Naluha nalang ako ng naalala ko si Zach...yung kaibigan ko dati, childhood bestfriend ko siya. Natapos lang ang pagkakaibigan namin noong iniwan niya ako. Papunta kasi sila ng America noon.

Flashback

"Kaela Mae!"   -Tawag ng teacher ko

"Present po." -Sagot ko sakanya, lumingon ako sa likod ko pero wala siya. Bakit ang tagal niyang dumating absent ba siya o late na naman yun?

Nang natapos ang pag check ng attendance namin nag salita bigla ang guro namin.

"By the way, class hindi na rito papasok si Zach. Pupunta sila sa America ng parents niya para doon na siya mag-aral."

Biglang may tumulo na luha sa mata ko, bakit hindi niya sinabi sa kin?

Tumayo ako at lumabas ng room, rinig kung tinatawag ako ng guro ko pero hindi ako nakinig. Pumunta ako sa parking lot at inutusan ang driver ko na mag maneho papuntang airport.

"Sa Airport dali!"  -Nagmamadali kung sabi

"Miss Kaela, pagagalitan po akoand ng Pa-"   -Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko ito.

"Go to the Airport now, or I'll fire you!"  -Sigaw ko

Mabilis siyang nag maneho papuntang airport, Paano mo nagawang hindi sabihin sa 'kin to Zach? Hindi mo ba ako tinituring na kaibigan?

Nang makarating kami sa airport mabilis akong bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa departure gate. Since, kilala ako bilang grand daughter ni Helena at Arthur Buenaventura pinapasok nila ako.

At dun ko nakita siya...si Zach,  pa pasok na sana siya ng bigla ko siyang tinawag

"Zach!"   -Sigaw ko, at tumakbo papunta sa kanya

"Ella? Bakit ka nandito?" Tanong niya, Ella ang tawag niya sa 'kin dahil mas kumportable daw siya na tawagin ako sa pangalang yun

Started with a LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon