Chapter 1- The start of the lie

51 12 2
                                    


Kaela's P.O.V.

Naggising ako dahil sa maingay na tunog ng alarm clock ko.

"Ano ba naman yan?! Ang unfair nun ah! Bago lang ako natulog eh!" -Sermon ko sa alarm clock ko.

"Ano ba Kaela! Tumahimik ka nga! Hindi kasalanan ng alarm clock mo na madaling araw ka na natulog kakapanood ng K-drama. Bumangon ka na nga kang diyan! Istorbo ka naman sa panaginigip ko." - Sigaw ni kuya Klaud mula sa kwarto niya, na sadly nasa tabi ng kwarto ko.

Tignan mo toh, papabangunin ako habang siya patuloy paring matutulog.

"Hoy kuya ! Hindi porket sikat kayo ni ate sa school eh pwede kanang magpatuloy sa kakatulog diyan, gumising ka na rin, bago ka pa mahampas ni ate ng make up kit niya!" - Sigaw ko pabalik.

Bumangon na rin ako. Baka malelate na rin ako neto eh. Tignan mo toh sila kuya, ang ba-bad influence sa inosente kong pagkatao.

Pagkatapos kong maligo tsaka magbihis, pinababa na ako ni ate Kiera. The campus queen.

"Oh! Buti tapos kanang magbihis dyan. Palibhasa kasi may mga tao lang talaga na ang babagal kumilos. Kagaya ng kuya Klaud mo." -Ate Kiera. Si kuya kasi, pagwapo ng pagwapo ang bagal pang matapos sa cr. Nakakapagtaka na nga kung naliligo lang ba talaga siya sa loob o gumagawa pa ng milagro.

"Ang sakit mo naman atang magsalita ate. Kala mo naman madali kang matapos kakamake up sa kwarto mo. Wala namang boyfriend, pinipilit pa talagang gumanda."

"Uy! Uy! Tama na 'yan kuya Klaud, ate Kiera. Nasa hapagkainan tayo. Mahiya naman kayo sa pagkain oh." - Awat ko sa dalawa. Halos araw-araw nalang kasing nagbabangayan ang dalawang yun.

"Hay salamat! May isa pa akong matinong anak!" - Napalingon naman kami sa may hagdanan, si Mama lang pala.

"Mama! Goodmorning po!" -Sabay sabay naming bati kay mama.

"Klaud, Kiera. Nag-aaway nanaman kayo. Don't you think that you guys are a little bit too old for this. I mean, araw-araw na natin tong ginagawa."

"Sorry ma."- Sabay nilang sabi.

"It's fine. Magmadali na kayo, may klase pa kayong tatlo." Unti-unti nang lumayo si mama sa amin at pumunta ulit sa kwarto niya.

Pagkatapos naming kumain ay kinuha na namin ang mga bags namin at pumasok na sa sasakyan papuntang Crossroad University!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkababa pa lang namin sa University dinumog na kami ng mga fans nila ate at kuya. As usuall, sa other side ako ng sasakyan bumababa kasi kundi matatapakan ako ng mga fans nila. Huhuhuhuhuh! Walang respeto sa fes ko!

Pumasok na ako sa klase ko at nilabas ko lahat ng mga gamit ko para sa subject na ito.

Teka! Hindi pa nga pala ako naka-introduce sa sarili ko!

Hi guys! Ako nga pala si Kaela Mae Buenaventura, 16 years old. Yes, 16 years na akong na akong nabubuhay sa planetang ito. And so far, walang ni isang araw sa buhay ko na perpekto. Kaya namumuhay akong handa sa lahat na maaaring mangyari sa akin. Well, I guess that's what I thought.

Pumasok na ang teacher namin at inilapag niya sa lamesa ang mga gamit niya.

"All I want to see in your desk is your scratch paper, ballpen, at correction tape. May surprise quiz kayo ngayon!" -Anunsyo niya samin.

Wow miss, halata po bang na surprise talaga kami. Kasi ikalawa mo na kaming binigyan ng surprise quiz this week.

Narinig ko naman ang buong klase na nagmamakaawa.

"Miss, bukas nalang po! Masyado po kasi kaming na-surprise. Aatakihin na nga ata kami sa gulat eh!" -Reklamo ng class president namin.

"Ngayon ko lang maaari kayong mabigyan ng quiz walang pasok kayo bukas." -Wow! Nakakagulat na talaga si miss ah! Ang dating reklamo nila ay napalitan ng hiyawan. Yung iba nagpaplano na para sa mini vacation nila. Thursday kasi ngayon eh, kaya tatlong araw kaming hindi papasok.

Napilitan kaming mag-answer sa quiz namin kanina. Buti nalang at naka-study pa ako neto the other night.

Pagkatapos ng dalawa naming subject lumabas na kami para pumunta sa cafeteria. Umupo ako sa usuall naming upuan nila ate at kuya.

"Bunso! Kamusta ka na?" -Sabi ni kuya na palapit na sa pwesto namin.

"Cut it out kuya. Just get straight to the point. Ano kailangan mo?"

"AHAHAHAHA! Wala na Klaud! Kabisadong-kabisado ka na ng kapatid mo!" -Lumingon ako sa nagsalita, ang kabarkada lang pala ni kuya.

"Wag ka namang ganyan bunso, nangangamusta lang naman ako ah. Pero, tama ka nga, may kailangan ako. Aheheheh!" - Tingnan mo oh. Lumalapit lang pag may kailangan.

"Bilhan mo nga ako ng chocolate cake. Hindi kasi ako makakalapit kay Tristan, for completely no reason." -Sabi niya sabay ngumiting aso. Brr! Creapy!

"Fine. Basta 'wag ka ng ngumiti. Ang pangit mo kayang ngumiti. Nakakatakot." - Lumayo na ako para bumili na ng pinapabili ni kuya sakin. Narinig ko na tumawa ang mga kaibigan niya.

Psh. Ang tatamad naman.

"Umm. Excuse me! Mind if I insert. Nagmamadali lang kasi ako eh." -Si Tristan Lee.

"Uh yeah sure. It's not like I really have a choice, right?"

"No."- Sabay ngiti.

Binigay ko kay kuya ang cake niya at bumalik na sa classroom ko. Tuatal wala naman akong magagawa duon eh.

While naglalakad ako sa hallway biglang hinila ni Beatrice ang buhok ko.

"Wag niyo na akong guluhin!" - pagmamakaawa ko kina Beatrice. Ang captain ng cheerleading squad. Is it just me? Or is it that cheerleaders are just like this?

"Bat ko naman gagawin yun?! Stop hanging out with Tristan then! Kala mo kung sino kang maganda!" -Excuse me! Mas maganda ako sayo. Bruha! Pero syempre sa isip ko lang yun.

" We weren't hanging out, I swear! Sadya lang na kasunod ko siya sa pila. Hindi ko naman alam na dun pala siya pipila eh." -paliwanag ko. Ang dami-dami naman agad na sinasabi.

"Aba't sumasagot ka na ah!" - Sinampal niya ako at tinatadyakan.

Aba't ibang level na itong pambubully niya ah!

"Beatrice! Anong ginagawa mo?!" - Bigla kaming napalingon sa nagsalita.

Shoot! Tristan?!

"Ah um! Ano...bat ka nandito? Ipagtatanggol mo ba si Kaela?! Kayo ba ni Kaela?!" -Grabe talaga ang nakain niya na super stick noh? Imagination mo ang limit.

"Ba't ko nanaman siya ipagtatan-"

"OO! Kami na ni Tristan!!!" - Biglang tumahimik ang paligid. Shoot lang Kaela! Ba't mo sinabi yun?! Ang tanga tanga mo talaga Kaela!!! Papatayin ka ni Tristan niyan!

"HA?!!!!" - Hindi nila mapaniwalaan ang sinabi ko. Pati nga ako eh. Patay ka talaga niyan.

"Anong-" - Bago pa man makapagsalita si Tristan, dali-dali ko siyang kinaladkad sa pinaka-malapit na stock room.

"WHAT THE F*CK WERE YOU THINKING?! ARE YOU INSANE?!"

"Hindi ko talaga yon sinasadya! Patawarin niyo po ako! Wala na kasi akong takas sa kanila. Kahit anong gusto niyo po, gagawin ko."

"Anything, you say? Hmm...I may have something for you to do."

Started with a LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon