Chapter 4 - Room 300

19 6 0
                                    

Kaela's P.O.V.

"Ang ganda mo."

.          .          .          .

A-ano daw?

Did he just say na maganda ako?!

Nilalagnat ba toh? 

Anong pumasok sa isip niya at bigla-bigla lang akong pinuri?

"Ano yun?! Ulitin mo nga." -Pilit kong sabi.

"Narinig mo na yun eh. Ba't ko ba sasabihin yun ulit? Kung hindi mo narinig yon kasalanan mo na yun."

"Eh sinabi mo na nga eh. Ulitin mo na nga lang. Baka kasi mali yung pagkakarinig ko." - I reasoned out. Pero mukhang ang tigas ng ulo neto.

"Ano ba kasi yung narinig mo?"

"Na...ano...uhm...Na maganda ako." - Sabi ko pero pilit na pinahina yung salitang maganda.

"Oh edi yun na yun. Isa lang naman ibig sabihin nun diba?"

Psh. Ayaw talagang sabihin. Grabe yung level ng pride niya noh. Bigla kayang bumaba yung pride niya nung sinabi niyang maganda ako?

Hindi ko na siya pinansin at sumunod nalang sakanya. 

Pumasok kami sa sasakyan niya at nagsimula ng magmaneho yung driver nila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang minuto na kaming bumabyahe pero hindi parin kami nakakaabot sa kung saan man kami dapat pumunta. Nakita ko namang hindi na pamilyar sakin ang daan na ito.

"Ah...ano..Tristan sa'n tayo pupunta? Bakit lumalayo na tayo sa subdivision? May iba pa ba tayong pupuntahan." -Kabado kong tanong.

"You're asking way too much questions. Wag kana ngang magtanong, hindi naman ikaw yung nagmamaneho, diba?" -Iritado niyang sabi, while completely ignoring my questions.

Nang biglang may pumasok sa isip ko.

Ki-kidnappin niya ba ako?! Anong gagawin niya sa'kin?! Kaya niya ba ako pinaganda kasi ibebenta niya ako?! Anong plano niya?!

Unti-unting tumulo yung luha ko. Pa'no nalang yung plano ko para sa future ko?

"Kaela, pwede ba. 'Wag ka na ngang mag-arte diyan. Naiirita na talaga ako sa'yo!" -Galit niyang sabi sakin.

"Kaya mo ba ako ibebenta kasi naiirita ka sa'kin at nasabi ko sa lahat na mag-jowa tayo?-"  *dali-daling lumuhod* "-Parang awa mo na Tristan! Gagawin ko lahat na sasabihin mo wag mo lang akong ibebenta! Pa'no nalang yung cellphone ko?! Yung pamilya ko?! Mag-aalala sila nga masyado para sa'kin!" -Pagmamakaawa ko. Marami pa akkong gagawin sa buhay ko!

"Ano ba yang sinasabi mo?! May sakit ka ba?! Nag-iimagine ka na ata." -Pagkatapos niyang sabihin yun lumabas na kami sa sasakyan.

Nasa airport kami?! Ba't nandito kami? Ipapadal pa nga ata ako neto sa ibang bansa.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa luha na hindi tumitigil sa pag-agos.

Started with a LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon