[12]

6K 226 66
                                    

(3RD PERSON'S POV)

"You're spacing out."

Nabalik ang isip ni Lyannah nang marinig ang sinabi ni Nikki.

"H-Huh?"

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Ako ba yan?" mapanuksong tanong ng bakla sabay kurot sa pisngi niya.

Pinilit niyang ngumiti para maitago sa bakla ang sikreto niya. Hanggang ngayon pa rin kasi ay di nawawala sa isip niya ang ginawang pagtawag ni Tita Luz kagabi. Nang huli niyang tingnan ang cellphone ni Nikki, mayroon na itong 52 missed calls at 47 messages.

"Kumain ka na. Baka lumamig pa yang hapunan mo." Dagdag pa ni Nikki.

Tumango naman si Lyannah pero sa totoo lang ay wala siyang gana dahil nakukonsensya siya. Pero natatakot lang naman kasi siya. Natatakot siyang baka bumalik ulit si Nikki kay Luke.

"Siya nga pala. Nakita mo ba phone ko? Sa office ko lang napagtantong nawawala cellphone ko."

Halos maibuga ni Lyannah ang kinakain niya nang itanong ito sa kanya ni Nikki.

"H-Hindi!" pasigaw niyang sabi sabay inom ng tubig.

"Okay ka lang ba, Lyannah? Para kang natataranta." Saad ni Nikki sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"O-Oo. Okay lang ako. Hahaha. Sige ilalagay ko na 'to sa lababo." Sabi ni Lyannah sabay taas sa pinggan niya at tumayo na para tumungo sa lababo.

Napakagat sa labi niya si Lyannah at bahagyang pinalo ang ulo niya.

"Ano ba Lyannah? Wag ka ngang magpahalata. Hindi mamamatay si Luke. Masamang damo yun!" pagpapakalma niya sa sarili niya.

Habang abalang maghugas ng pinggan si Lyannah, si Nikki naman ay pumunta sa kanilang kwarto upang magpalit ng damit dahil kakagaling lamang nito sa trabaho.

Maya-maya'y nakarinig ng sunod-sunod na pagtunog ng doorbell si Lyannah. Dali-dali niyang pinunasan ang mga kamay niya at tumungo sa gate ng bahay nila para pagbuksan kung sino ito. Naisip niyang baka lolo niya ito at nais siyang dalawin dahil hindi ito nakapunta sa mismong araw ng kaarawan niya.

Pero nagkamali siya.

Dahil si Luz ang sumalubong sa kanya. Sinalubong siya nito ng malungkot na awra at namumugtong mga mata.

"H-Hija, n-nandirito ba si N-Nikki? I-I b-badly need him."

Gusto niya sanang sabihing wala at pagsaraduhan na lamang ng gate pero huli na ang lahat dahil narinig na niya ang boses ng bakla sa likuran niya.

"Tita Luz! Ano pong ginagawa niyo dito?"

Nilagpasan ni Luz si Lyannah at dali-daling tumungo kay Nikki at niyakap ito.

"Nikki anak." Pahikbing tawag ni Luz.

Nakaramdam ng inggit si Lyannah dahil never siyang tinawag ni Luz na anak. Medyo hindi kasi maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito pabor sa naging relasyon nila ni Luke.

"Nikki, s-si Luke n-nagtangka siyang magpakamatay."

"HO?!" gulat na gulat na tanong ni Nikki.

"M-Mabuti na lamang at naisugod n-namin siya a-agad sa ospital. Okay na siya ngayon."

Nairolyo ni Lyannah ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Luz. Masamang damo nga talaga si Luke.

"P-Pero Nikki kailangan ka niya."

"At ito na nga ba ang sinasabi ko." Wika ni Lyannah sa isip niya.

PROJECT 15 #1: MISTAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon