[14]

11.3K 353 389
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Habang abala ang mga trabahador ng Pinky Pinky Strawberry Farm sa paghaharvest ng nasabing prutas, ang ating bida naman ay nakaupo sa isang lounge chair na nakapwesto sa isang kubo. Naka-sun hat pa siya at nakashades na pinarisan niya ng pink na loose t-shirt na naka-tuck in naman sa maong niyang shorts.

Habang pinagmamasdan ang mga trabahador, abala rin si Ly sa pagngata ng strawberry.

"Hmm. Parang mas lalong naging firm ang katawan ni Panchito ngayon a?" sabi niya habang pinagmamasdan ang binata di kalayuan.

"Si Pedro naman lalong pumayat. Susko! Baka habulin na 'to ng aso."

"Nako nako! Ito namang si Juan napakatamad! Nakakailang upo na ba siya? Tsk. Tsk."

"Shet. Parang ang nadagdagan ata abs ni Julio!"

Ganyan ang gawain ni Ly araw-araw – ang husgahan ang mga trabahador ng tita niya.

"O ito namang si Kulas napakakupad kumilos. Daig pa pagong! Cancel yang mga ganyang lalaki."

"Ito namang si Karding, napakapabibo. Kamag-anak ata ni Jollibee."

Nasa ganoon siyang posisyon nang may bigla-biglang humiga sa tabi niya. Dali-dali naman siyang napalingon dito at literal na nalaglag ang hawak niyang strawberry dahil sa nakita.

"N-Nikki?"

"Yeah." Simpleng sagot ni Nikki at lumingon din sa kanya at nginitian siya.

Akmang tatayo siya at tatakas pero mabilis ang bakla. Bahagya itong dumagan kay Ly at itinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ng babae.

"Do you think I'll let you escape again?"

Napalunok ang babae dahil sa tanong ng bakla. Napakagat din siya sa labi niya. Napansin niyang medyo pumayat ang bakla at halatang stress na stress. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito. Halatang kulang sa tulog. Pero kahit na ganoon ang itsura nito, parang mas lalo itong gumwapo sa mga paningin niya o marahil ay epekto lamang ito ng mahigit tatlong linggo nilang di pagkikita. Mas lalong tumindi ang pagnanais niyang yakapin ito ngayong nasa harapan na niya ito.

"P-Paano mo ako natunton?"

Ngumisi muna si Nikki bago sumagot at nilaro ang dulo ng buhok niya.

"Love will find its way, heart shaker." Mapanuksong saad nito pagkatapos nun ay yumuko si Nikki at hinalikan ang babae. Hindi nakagalaw si Ly. Nanatili siyang nakatulala at ang mga kamay niya'y nasa ere.

Hindi pa nakuntento si Nikki dahil kinagat niya ang labi ni Lyannah dahilan para mapanganga ang babae. Sinamantala ni Nikki ang pagkakataon at ipinasok ang dila niya sa bibig ng dalaga at walang pakundangang ginalugad ang lasang strawberry nitong bibig.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang dumating ang tita ni Lyannah na si Tita Pinky.

"Susmaryosep! Sino ireng payat na binatang 'to, Lyannah?!"

Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagtulak ni Ly sa bakla.

"T-T-Tita!"

"Sino 'to, Ly? May asawa ka na hija. Alam mo naman dibang bawal ang mangaliwa?!"

"T-T-Tita h-hindi po ---"

"Hi! I'm Nikki, her husband." Binigyang diin ni Nikki ang huling dalawang salita sabay tingin kay Ly at kinindatan ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROJECT 15 #1: MISTAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon