[7]

8K 316 246
                                    

(A//N: Hi! Sino yung nag-request ng dedic last time? Pa-comment naman sa baba. Nakalimutan ko kasi username mo. Sorry :( Sobrang occupied lang talaga yung isip ko nitong mga huling araw. Btw,  enjoy reading mga beks! Sorry for the late update. Mwuah!)

(LYANNAH'S POV)

Napataas ang kilay ko nang makarinig ako ng sasakyan. Pakendeng-kendeng akong naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko at mas tumaas pa ang kilay ko nang makitang si Luke ang nagmamay-ari ng sasakyan.

"Ano na naman kayang pakay ng isang 'to?" tanong ko sa sarili ko.

I flipped my hair bago muling bumalik sa harap ng salamin. Nag-apply ako ng lipstick at chineck ang outfit ko for today kung ayos lang ba. Hinawakan ko ang boobs ko at iniangat ito para mas ma-emphasize pa siya.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako. Nakita kong nasa labas na ng bahay si Nikki at kung hindi ako nagkakamali, nag-uusap silang dalawa ni Luke.

Isinuot ko ang shades ko at lumabas na. I saw Luke pleading to Nikki na patawarin siya.

"Nikki, sorry if I didn't hear you out. Please don't be mad at me. Sorry na babe." Pakiusap niya pero si ate niyo ko Nikki dineadmatologist lang si Luke.

That's the power girl!

"Babe naman, nang dahil lang ba kay Lyannah maghihiwalay tayo?"

Ay! Dinamay pa ako.

"Hinabol kita Luke pero di mo man lang ako nilingon. Masyado kang nagpadala sa galit mo. Pinakinggan mo man lang sana ako."

May habulan pa lang naganap nung nakaraan. Di man lang ako na-orient. Ilang araw na nga ba ang nakakalipas simula nung spg na scene namin sa pool? 5 days? Not sure. Basta lumipas na ang mga araw!

"Nikki, please alam kong nagtatampo ka pa rin sa akin that's why I'm here to personally apologize to you. Let's have a date today. Please?"

Kinamot ko ang tenga ko na kanina pa nangangati dahil sa mga linyang naririnig ko kay Luke. Tinanggal ko ang shades ko at lumapit sa kanila.

"Enough with the the drama, Luke. Medyo nakakairita ang acting skills mo. Ang lamya e. Di ka papasa sa ABS-CBN at GMA. Sama mo na rin TV5." Irita kong sabi.

"Lyannah pwede ba? Nag-uusap kami ---"

I immediately cut him by putting my arm to Nikki's.

"Excuse me, pero maggogrocery kami ngayon ng ASAWA ko." Binigyan ko talaga ng emphasis yung word na 'ASAWA' para mas mainis siya.

Bahagyang lumayo sa akin si Nikki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit ganyan ang suot mo? Grocery store ang punta natin Lyannah hindi party." Saad niya na tila hindi makapaniwala sa suot ko.

Well, I'm wearing a blue dress with matching strappy high heels. So, now tell me, is there something wrong with my outfit? Wala naman diba? Duh!

"What do you want me to wear? T-shirt and jeans just like what you're wearing right now. My goodness! That's so yesterday, dear. Your sense of fashion is soooo meh." Litanya ko naman.

Napabuga ng hangin si Nikki at tila naiirita siya pero wala akong pake. This is my style!

"So, let's go na my candy pop?" tanong ko at muling sinuot ang shades ko.

"Wait? What?" naguguluhang tanong sa akin ni Luke.

"What's your problem na naman ba Luke?" iritang tanong ko.

PROJECT 15 #1: MISTAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon