[4]

7K 248 87
                                    

(A//N: So, una sa lahat sorry kasi late ang update. Busy lola niyo sa research. Huhu. And sorry din kung may mga makikita man kayong typo o mga mali dito. Hindi ko na siya na-check. Inaantok na akes. Huhu. Anways, sana mag-enjoy kayo. Labyuuu with all my heart!)

(LYANNAH'S POV)

Three days have passed simula nang mangyari ang aksidenteng nasaksihan ko at kailangan na naming umuwi ng Pilipinas because of Nikki's work. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung anong nangyari sa akin nung araw na yun at tila nakakita ako ng isang multo. I kept my mouth shut and I didn't tell him anything. Hindi kami close. Duh!

Pagkalabas na pagkalabas namin ng airport, natanaw ko na agad ang nakangiting si Luke. Kung ako lang siguro mag-isa, iisipin kong he's looking at me pero iba na ngayon. Hindi na ako ang dahilan kaya siya nandito. Hindi na ako ang sinusundo niya kundi itong baklang katabi ko na kaway ng kaway sa kanya. Ang sakit bes! Seryoso ako.

Tinanggal ko ang shades ko and I stretched my arm para harangan si Nikki na tatakbo sana kay Luke.

"First of all, hindi ka artista para magkaroon ng dramatic na pagtakbo papunta sa beloved boyfriend mo. Pangalawa, anong ginagawa niya dito? Bakit siya ang sumundo sa atin? Is he the new driver that my lolo's talkin' about?"

He turned his head to me at tinaasan ako ng kilay.

"First of all, wala kang pakielam. Pangalawa, may sakit yung bago niyong driver kaya si Luke ang sumundo sa atin and we miss each other kaya hindi siya makapagpigil na sunduin ako." He said while glaring at me.

After saying that, hinawi niya ang braso ko at tumakbo na papunta kay Luke. Nagyakapan pa sila at bahagya pa siyang binuhat ni Luke na akala mo naman isang dekada silang hindi nagkita. Dinaig pa yung mga mag-love team sa teleserye!

"Hindi kayo bagay uy!" gigil kong sabi at nauna nang maglakad sa kanila.

Nang nasa sasakyan na kami, ako lang ang nakaupo sa likod dahil nasa unahan si Nikki katabi nang nagmamanehong si Luke at take note! Holding hands pa ang mga anaconda. Iniinsulto ba nila ako? Like hello! Hindi ba sila marunong makiramdam? Nasasaktan ako! Punyeta.

Tumingala ako para pigilan ang luha ko. Mahirap magpigil mga bakla! Ang sakit pa sa lalamunan. Kung saan-saan na ako tumingin para lang pigilan ang luha ko pero nang-aasar ata talaga sila kasi lagi kong nahahagip ang kalandian nila. Minsan maghahalikan pa sila kapag humihinto ang kotse dahil sa panaka-nakang traffic.

"Do they know the word consideration?" tanong ko sa isip ko.

Nandito yung ex sa likod pero wagas sila maglandian! Hindi na sila naawa sa akin.

At dahil hindi ko na talaga kaya, naisip kong pumara na lang.

"Hey you asshole! Stop the car. Bababa ako. Naalala kong magkikita pala kami ni Sasa."

Nilingon ako ni Nikki dahil sa sinabi ko. Napaangat naman ang kilay ko.

"What? I said, stop the car. NOW." Iritadong wika ko.

Nang itinigil na ni Luke ang sasakyan, dali-dali akong bumaba at nag-martsa sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Lahat ng taong madadaanan ko ay napapatingin sa akin dahil bukod sa maganda ako, para akong tanga na umiiyak. Umupo ako sa isang bench at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at doon nag-drama.

Sobrang dali lang kay Luke na gawin sa akin 'to. It's easy for him na itapon ang tatlong taong relasyon namin. Hindi niya ba naiisip na nasasaktan ako o bobo lang ba talaga siya? Maganda lang ako but I'm human too.

PROJECT 15 #1: MISTAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon