New school
Anikka POV
Kinabukasan nagising ako ng alas kwatro ng umaga..Tamang-tama para makapagjogging ako..Bumangon na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para makaligo na at magjojogging nako..
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin lumabas na ako ng kwarto..Didiretso na sana ako sa kusina ng makita kong nandoon si Daddy..Siguro Mamaya nalang ako magbrebreakfast..Nawalan ako ng gana..
Lumabas na ako at sinuot ang headphone ko..Inikot ko ang village ng isang beses.. Nang umuwi nako naabutan ko na may Mga men in black sa bahay..Mga tauhan ni Daddy..Nang nakita nila ako ay sabay sabay silang yumuko..Nilagpasan ko sila para saan pang ngumiti ako kung Alam ko namang nakikiplastican lang ako kapag ganun ang ginawa ko..
Naabutan ko si Mommy na ngiting ngiti saken..Myghawd paanong naatim ni daddy na ---- ..Nevermind ayoko ng maalala yun..
Lumapit si mommy saken at binati ako ng..
"Goodmorning Little princess" Nakangiti nitong bati saken..Ngumiti ako at tumango atsaka siya nilagpasan..Dumiretso ako sa kwarto para makaligo ulit at makapagpalit dahil Ngayon pala ang Alis ko papuntang new school na yun..
Kumakain ako ng pumasok si Daddy sa Kitchen at sinabing bilisan ko kase Maya Maya aalis na ako..Di naman siya excited na mawala ako dito sa bahay..Tumango nalang ako ng tamad at ipinagpatuloy ang pagkain kahit nawalan na ako ng gana..Syempre may natitira pa naman akong manners..Mabilisan kong Tinapos ang pinagkainan ko..Pagkatapos ay pumunta nako sa living room at naabutan ko ang Mga MIB ni Daddy..
'Duh'
Daig ko pa yung mga bilanggo sa dami ng bantay..Haluh wala rin naman akong katanan..NBSB ako eh..Walang nagtatangkang ligawan ako..And one more fact about me is WALA akong friends kahit PLASTIC friends wala ren..
Pero nabubuhay naman ako ng wala yung mga yun kaya Keri lang..So excited nako..Nathri-thrill ako sa sinabi ni daddy saken sa hospital..Pano niya kaya nasabi na mapapatino ako nitong school na papasukan..
Yung totoo?!Pinapabitay yata ang mga gumagawa ng violations..Syempre halos lahat ay magtitino kung ganito ang rules..PERO kahit ganun ay naeexcite ako..
Nakasakay na ako ngayon sa kotse kasama ang Limang MIB..Sabi sa inyo daig ko pa bilanggo..Kahit kailan walang tiwala sakin si Daddy..
Mahigit tatlo ata o apat na oras kaming nagbyahe..Bago narating tong school nato..Nasa gitna siya ng gubat pero maganda naman ang interior design ng school..Pero ang tanong ko sa dinami dami ng tatayuan nila ng school bakit sa gitna pa ng gubat..May mababangis kayang hayop dito?!..
Pumasok Na ko sa gate nilang malaki na automatic na bumabukas..At yung mga MIB pala kanina pa umalis..
Unang hakbang ko palang nagtaasan na ang mga balahibo ko..Di naman ako takot sa multo pero bakit ganito ang bilis bilis ng tibok ng puso ko..
Nagpatuloy parin ako sa pagpasok..Halos lahat tumigil sa kanilang ginagawa at tumitig lang sakin..
'Awkward'
Binilisan ko ng kaunti yung paglalakad ko..Mabilis ko namang narating ang principal office..Pumasok ako ng basta basta sa office ng walang katok katok..Eh sa nasanay na ko eh anong magagawa ko?!..
Naabutan ko ang principal at ang School president yata Na nag-aayos ng papel..Natigilan sila sa kanilang ginagawa..Tinapunan ako ng masamang tingin nung school president yata..Tsk kala mo naman maganda..
"Alam mo ba kung paano rumespeto?!Simpleng pagkatok di mo pa magawa.." Mataray na sabi nung School President..Sigurado na ako na siya ang School President dahil may tag siya..
"Sorry di ko kase alam Yun eh..Baka naman pwedeng paturo.." Sagot ko sa kanya..Nagsalubong ang kilay niya.
"Naghahanap ka ba nang away ha!!" Sigaw niya na umalingawngaw dito sa office..
Di ko siya pinansin at humarap sa Principal..
"Hello PO Pwede ko na po bang makuha yung room no. Ko at dorm no. Narin..Gusto ko mang manatili dito madame pero masyadong maingay eh.." Magalang kong saad sa Principal..Nakangiti naman nitong inabot ang kailangan ko..
YOU ARE READING
MYSTERIOUS MAN
القصة القصيرةIsang babaeng basag-ulo kaya laging nililipat ng school.Pero pano nalang kung sa isang pribadong paaralan siya ilipat at may nakikilang lalaki.Na kahit na sino ay hindi pa nakikita ang mukha nito..Ano kaya ang mangyayari kapag nakita ng babae ng muk...