CHRYS's POV
"H-hi good evening" yun nalang ang naiusal ko. parang nastock na yung dila ko at di ako makagalaw. Feeling ko, na froze nako sa inuupuan ko ngayon. Parang bumalik lahat."hi beautiful lady, what's your name?" tanong sakin ni lean habang nakalahad ang kamay nya. "c-chrys" sagot ko, at nakipagshake hands sakanya. Kita ko naman sa mukha ni tito ric na gustong gusto nya akong kausapin at kamustahin pero di nya magawa dahil sa kalagayan ni lean.
Halata namang di pa nya ako naaalala, malamang, kase tatanungin nya ba yung pangalan ko kung naaalala nya ako? hays!
Buong gabi ay naguusap lang si daddy at si tito ric sa business na pag papartneran nila. At ako ay di na masyadong kumikibo dahil diko naman alam yon, ganon din si lean.
LEANDRO's POV
"c-chrys" sagot nya, parang medyo sumakit yung ulo ko at nakita ko nanaman yung babaeng lagi kong nakikitang kasama ko pero wala syang mukha. Diko nalang sakanila pinahalata na masakit ulo ko kasi may bisita, nakakahiya naman kung mag-aagaw atensyon ako. Pero parang yung babaeng nasa harapan na to ay matagal ko nang kilala.Parang nakasama ko na sya noon, parang may pinagdaanan na kami noon. Naramdaman ko nalang na biglang sumakit yung ulo ko, di katulad kanina, sobrang sakit at sobrang kumikirot. "AHHHHHHH!!!!" sigaw ko na ikinagulat naman nilang lahat,
kaya dali daling lumapit sakin si daddy pati na din yung ka meeting nya. Bigla nalang akong nakatulog at di ko na alam ang mg sumunod na nangyari.CHRYS's POV
Nagulat nalang kami nang bigla biglang sumigaw si lean. At nakahawak sya sa ulo nya, bigla kaming lumapit kay lean at diko alam na umiiyak na pala ako. Ang sakit sakit sakin na makita syang ganon, yung makita syang nahihirapan. Bigla nalang bumagsak si lean, buti nalang ay napasandal lang sya sa upuan nya, "tito, mas mabuti pong dalin nyo na sya sa ospital" sabi ko at dali dali namang inakay ng guard ng resto si lean at nakagabay naman si tito ric at si daddy sa likod.Napagpasya ko na kunin kay daddy yung kotse at pumayag naman sya agad dahil kila lean sya sumabay at nagpapanic din sya. Di ko din kasi kayang makita syang nagkakaganon at naghihingalo.
Habang nagddrive ako ay umiiyak ako, diko alam kung san ako pupunta at kung kanino ako manghihingi ng tulong at maglalabas ng sama ng loob.
Tinawagan ko nalang si abby. "hoy besh! anyare? bakit napatawag ka?" tanong nya sakin sa kabilang linya. "*sob* a-bby, s-si lean *sob*" yun lang ang naisagot ko dahil parang nawawala na ako sa katinuan ko ngayon. "hala! ano nangyayare chrys? asan ka?" nagpapanic na tanong nya sakinz
Sinabi ko naman kung nasan ako at sabi nya pupuntahan nalang daw nya ako dito. Nung nakita ko na papalapit na ang sasakyan nya sakin at papababa na sya ng sasakyan ay dali dali akong bumaba ng sasakyan at tinakbo sya. Yumakap ako ng mahigpit sakanya, iniyak ko lang ng iniyak lahat.
"ano bang nangyari?" tanong nya sakin habang hinihimas yung likod ko, at inaya muna nya akong umupo don sa bench malapit sa kinaroroonan namin. Kami lang naman ang tao dito kasi medyo gabi na din kaya ok na din na dito ako maglabas ng sama ng loob ko.
Galit na galit ako sa sarili ko, kasi akala ko nung una kaya ko na syang harapin. Kala ko kahit ngayong di na nya ako maalala ok lang sakin, at wala akong mararmdaman. Pero mali pala ako.
Kanina nung naghihingalo sya, gustong gusto ko syang yakapin. Gustong gusto kongsabihin sakanya kung gano ko sya kamiss, na kahit di nya ako maalala nandito lang ako lagi para sakanya. At handa akong magpakahirap basta maibalik ko lang kung ano yung meron kami noon at kung ano ang posisyon ko sa buhay nya.
"sige lang besh, iiyak mo lang lahat. alam mo namang nandito lang ako lagi para sayo diba? susuportahan kita sa kung ano mang maging desisyon mo. kasi kung san ka masaya, don na din kaming mga kaibigan mo" sabi nya habang paruloy padin sa paghimas ng likod ko. at ako naman ay nakatungo lang at umiiyak.
Medyo matagal din kaming walang imik ni abby at medyo naging ok na din ako kahit konti, at mejo nabawasan na din yung bigat na nararamdaman ko.
Pamaya maya naramdaman kong nagba-vibrate yung phone ko sa loob ng bag ko, kaya kinuha ko yon. Pagtingin ko ay nakita ko ang pangalan ni daddy kaya sinagot ko yon agad. "hello? daddy?" tanong ko, "anak? bakit ganyan ang boses mo? umiyak ka ba?" tanong nya, "a-ahh hindi po may sipon lang po yata ako. ano po ba yon? bakit po kayo napatawag?" tanong ko.
Nagulat naman ako sa sumod na sinabi ni daddy, "hinahanap ka kasi ni leandro" sagot nya sa kabilang linya.
Parang nanigas yung tuhod ko at diko alam kung ano ang isasagot ko. Handa na ba akong makita sya? Am I ready for another chapter of our love story again?
----------------------------------------------------------------
Please vote and comment. Thankyou!
guys sorry kung sobrang tagal kong nag ud. nasira kasi yung cellphone ko pang ud, plus, nakalimutan ko yung password ko. Hehez.
BINABASA MO ANG
Totally Inlove with a Playboy (MBTPBH book 2)
Teen FictionDi ko alam kung anong nangyari, basta ang alam ko lang, i am TOTALLY INLOVE WITH A PLAYBOY. -Chrysantemum Perez •Must Break the Playboy's Heart|| Book 2• |Inspired by: Precious Heart Romance's; St. Catherine Uni...