Hindi namalayan ni Louisse kung ilang oras syang nakatulog. Nagtatakang Inilibot nya ang kanyang tingin sa paligid ng di pamilyar na silid. Kung di nya pa naalala na isinama nga pala sya ni Ezikiel sa opisina nito ay di nya matatandaan na andito nga pala sya sa private room ng opisina nito.
Nahagip ng kanyang paningin ang wall clock na nasa itaas na bahagi ng dingding. Its already one o'clock in the afternoon. Naramdaman nya ang pagrereklamo ng kanyang sikmura.
Umahon sya sa kama at tinungo ang pinto. Pinakiramdaman nya muna ang nasa labas. Mukhang tahimik. Wala ba si Ezikiel o busy lang ito sa trabaho?
Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto. Naabutan nyang seryosong nagbabasa ng mga papel na nasa blue folder si Ezikiel. Pero agad itong nag-angat ng tingin at bumaling sa kanya. Namalayan yata nito ang kanyang prisensya. Ngumiti ito sa kanya na sinuklian nya naman din ng matamis na ngiti.
Humagod ang tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Nagtataka namang tiningnan nya rin ang kanyang sarili. Noon nya lang napansin na nakasuot lang pala sya ng cotton shirt na pinahiram sa kanya ng kanyang asawa. Nang balingan nya ito ng tingin, Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang bahagyang pag-taas ng gilid ng labi nito. And his eyes are full of lust. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"How is your feeling?" He asked. A sexy smile flashed on his lips.
"Better." Tipid nyang sagot at nahihiyang iniwasan ang tingin nito.
She held her breath as his arms wrapped around her waist and pulled her closer to his body. Napatitig sya sa mga mata nito.
"You look hot in that shirt." He said in a hoarse tone. Then hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na nagkalat sa kanyang mukha. "Ano ba naman yang buhok na yan, pakalat-kalat." Kunway inis na sabi nito pero mas ramdam nyang biro iyon.
Napangiti sya.
Marahan syang binitawan nito tapos ay kinuha ang cellphone sa loob ng bulsa ng suot nitong pantalon.
"What do you want for lunch?" Tanong nito sa kanya.
"Anything. Ikaw na bahala." Sagot nya naman dito.
Sagot nya lang ang hinintay nito tapos ay may kinausap na ito sa kabilang linya.
"The foods are coming after twenty five to thirty minutes." Sabi nito sa kanya matapos nitong i-off ang cellphone. "Anyway, may pasok ka ba ngayon?" Tanong pa nito.
"Wala." Umiiling nya namang sagot.
"Good. Saan mo gustong mamasyal?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
Napakunut-noo sya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nya.
Ito naman ang napakunut-noo dahil sa tanong nya.
"Anong bakit? Masama na bang ipasyal ko ang asawa ko?" Tanong din nito sa kanya.
Hindi sya nakaimik.
He sighed. "I want to spend my time with my wife wherever she wants to go. Is that bad?" Patanong na sabi nito sa kanya.
Hinawakan nito ang palad nya at iginiya sya sa sofa. Inalalayan sya nito makaupo sa mahabang sofa bago ito naupo sa tabi nya.
"Hindi ba ako nakakaabala sayo?" Nag-aalalang tanong nya naman dito.
Ngumiti ito. "Sweetie, kahit kailan hindi ka nakakaabala sa 'kin. And as I said, I want to spend my time with you." Sagot nito sa kanya.
Napakurap-kurap sya. Hindi nya maintindihan kung bakit bigla na lamang syang nakaramdam ng saya dahil sa simpleng sinabi nito sa kanya. Sabagay, sino ba naman ang hindi matutuwa na paglalaanan ka ng oras ng isang Ezikiel Fourier?! Pero alam nyang hindi iyon ang dahilan nya kung bakit natutuwa sya. Natutuwa sya dahil iyon ang nararamdaman ng puso nya.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 1
RomanceNOTE: SPG | R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. How if one night, you married a stranger? Anong gagawin mo? At yung kasal nyo ay isa lamang kontrata o kasundu...