Dahil sa request nya kay Mikael kaya nasa mga kamay nya ang buhay ni Jeff at kasalukuyan ito ngayong nasa hide-out nila. Pero nangako naman sya sa kanyang kaibigan na hindi nya papatayin ang lalaki. Tuturuan nya lang ito ng leksyon upang hindi na ito uulit pang muli. As he said, no one can hurt his beloved! No one can hurt his Louisse!
Isa na namang malakas na suntok ang pinakawalan nya sa mukha ni Jeff dahilan para bumalandra ito sa dingding. Duguan na ang mukha nito, because he cant help himself not to punch and kick this bastard who hurt his Louisse. Nanggigigil na kinuwelyuhan nya ito. Muli nya na naman sana itong bibigwasan pero mabilis syang inawat ng mga kaibigan nya.
"Did'nt I told you before that if you touch my wife I will kill you and crushed you into pieces?!" Galit na tanong nya kay Jeff habang duro ang lalaki.
Pero tumawa lang ng nakakaloko ang lalaki. "Kung magalit ka naman para sa asawa mo parang malinis ang babaing yun. Pwe!" Sabi nito tapos ay dumura na parang nandidiri. "Hindi mo ba alam ang sekreto ng asawa mo?"
Kunut-noong natigilan sya dahil sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong nya dito.
Ngumisi ito. "Baka hindi mo alam. She's my ex. We been together in five years. Yung bagay na hinihingi ko sa kanya ibibigay nya lang pala sa ibang lalaki na nakilala nya lang sa club? At hindi lang isang lalaki kundi dalawa pa! Pwe!"
Nagkatinginan sila ni Knight tapos ay binalingan nya muli ng tingin si Jeff. Tapos ay sabay silang natawa. Nagtataka namang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila si Jeff.
"So, kaya ka nanggagalaiti na mabawi ang asawa ko dahil hindi mo nakuha sa kanya ang bagay na ibinigay nya sa 'kin?" Tanong nya saka ngumisi. "Im proud for that. At masasabi ko ring tama lang ang ginawa nya dahil hindi nya deserved ang mga lalaking katulad mo na marurumi ang isip."
"And correction. Kami ang mga lalaking tinutukoy mo na nakita mo sa club na kasama nya." Giit na saad naman ni Knight.
"And I am the owner of the club." Giit na segunda naman ni Glen Johnson.
Bumakas lalo sa duguan nitong mukha ang pagtataka.
"Are you surprise? Nagtataka ka ba kung bakit magkakilala kami?" Nakangising tanong ni Knight kay Jeff sabay turo sa kanya. "That night nung sumama sya sa amin. Nagpakasal sila ni Louisse. At ako mismo ang tumayong witness." Saad na paliwanag ni Knight sa lalaki.
"At ako naman ang nagkasal sa kanila thru civil wedding." Giit na sabi naman ni Lancer. "And by the way, I'm Atty. Lancer Davidson. And I'm not just an attorney. I'm also a devil. I can kill people like you in any way." Pagpapakilala pa nito sa lalaki.
Sa pilitang pinaupo ni Knight si Jeff sa silyang ibinigay ni Xian.
"Now, talk. Bakit mo kinidnap si Louisse aside sa obssession mo sa kanya?" Tanong ni Glen.
"Sumagot ka agad. Kung magmamatigas ka. Hindi kami magdadalawang isip na patayin ka na lang, tutal, wala ka naman palang kwentang hostage." Giit naman ni Knight.
Pero hindi ito umimik. Nanatili lang itong nagpalipat-lipat na tingin sa kanilang lahat na tila ba kinakabisa ang mga hitsura nila.
"Natatandaan mo na ba ang mga mukha namin? Kilalanin mo kaming mabuti at wag na wag mong kakalimutan." Giit na saad naman ni Drake dito.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 1
RomanceNOTE: SPG | R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. How if one night, you married a stranger? Anong gagawin mo? At yung kasal nyo ay isa lamang kontrata o kasundu...