Dahil walang magawa, kinuha na lang ni Louisse ang kanyang cellphone at inopen ang google play music. Makikinig na lang muna sya ng music habang hinihintay si Ezikiel. Kasalukuyan syang naghihintay sa waiting area ng Hangar ng Airven. Iniwan muna sya nito doon dahil pupuntahan nito ang sasakyan nilang private plane na pag-aari nito. Iyon ang gagamitin nila papunta sa Hong Kong. At para hindi sya mainip, makikinig na lang muna sya ng music.
Lihim syang nakadama ng tuwa. Ngayon palang kasi ay nai-excite na sya. Makikita nya na ang HongKong. Kay tagal nya kayang pinangarap ang makapunta sa ibang bansa, at HongKong ang pinakauna sa kanyang listahan. Marami kasing magagandang pasyalan doon, bukod sa Disney Land. Kaya pagdating nya doon ay sisiguraduhin nyang mag-iipon sya ng maraming pictures bilang souvenir.
Napakislot sya ng maramdamang biglang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Gulat syang napaharap sa sino mang pangahas na iyon.
Si Ezikiel lang pala!
"Sorry. Did I scare you?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Pikit-mata syang napabuga ng hangin.
"It's okey." Sagot nya na lang dito.
"Sorry." Paghingi uli nito ng dispensa.
"Okey na ba ung plane?" Tanong nya na lang dito.
"Oo." Sagot naman nito sa kanya. "Let's go." Yakag na nito.
Tumango naman sya bilang sagot. Itinulak na nito ang cart na kinalalagyan ng kanilang mga bagahe.
"Ilang araw naman tayo doon?" Tanong nya habang palabas na sila sa waiting area.
"Ilang araw mo ba gusto?" Balik-tanong naman nito sa kanya.
"Gustuhin ko mang magtagal, hindi naman pwede dahil may trabaho akong naghihintay sa akin. Okey na yung kahit two to three days lang." Sagot nya naman dito.
Napa-wow sya ng makita ang private plane na sasakyan nila. Ni sa panaginip ay hindi nya aakalaing makakasakay sya sa ganitong klase ng sasakyan.
"Saiyo ang private plane na yan?" Hindi makapaniwala at namamanghang tanong nya kay Ezikiel.
Ngumiti ito tapos ay tumango. "Actually, sa atin yan." Sagot nito sa kanya.
Lihim naman syang nakadama ng tuwa sa sinabi nito. Na kahit sa sandali ay naipapadama nito sa kanya ang kahalagahan nya bilang isang asawa. Ang bigyan sya ng karapatan na ariin kahit sandali lang ang mga pag-aari nito!
"Let's go." Yakag na nito sa kanya.
Kaya bago pa man sya maluha dahil sa kaligayahan ay sumunod na sya dito sa pag-akyat sa loob ng nasabing sasakyan!
Mangha si Louisse ng bumulaga sa kanyang paningin ang kagandahan ng loob ng Penthouse Unit na pag-aari ni Ezikiel sa Hongkong May swimming pool pa nga doon eh. Ang ganda talaga. Actually, isa lamang ang Unit na iyon sa tatlong penthouse ng Building. And according to him ay pag-aari ng kaibigan nito ang Del Fierro Tower at Del Fierro Hotel. Binili nito ang Penthouse Unit para may natutuluyan ito sa tuwing may kinakailangan itong asikasuhin sa negosyo dahil may branches ang negosyo nito dito sa Hongkong.
Bahagya syang nagulat ng bigla na lamang may yumakap mula sa kanyang likuran. "Do you like it?" Masuyong tanong ni Ezikiel sa kanya.
Natutuwa naman syang tumango. Humarap sya dito at nagtanong. "Palagi ka ba dito sa Hongkong?"
"Noong bata ako, Oo." Kibit-balikat naman nitong sagot sa kanya. "Pero ngayon, minsan lang kapag kailangan sa negosyo."
Napatangu-tango sya.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 1
RomanceNOTE: SPG | R-18 This story has mature scenes which are not suitable for very young readers. How if one night, you married a stranger? Anong gagawin mo? At yung kasal nyo ay isa lamang kontrata o kasundu...