Chapter 18

9.6K 254 10
                                    

Hindi mapakali si Ezikiel sa kanyang kinatatayuan habang hinihintay ang pagdating ni Louisse.

Balisa syang napasulyap sa kanyang relong pambisig. Its ten minutes before nine. Alas nueve ang kanilang kasal pero mag-a alas nueve na ay wala parin ito.

"Pwede bang pumirmi ka nga dyan sa kinakatayuan mo. Ako yung nahihilo sayo, eh." Reklamo ni Knight sa kanya na syang bestman nya sa kasal nila ni Louisse.

"Hindi kaya, nadulas si Louisse kagabi tapos nabagok yung ulo. Tapos nung magising nakalimutan nyang ikakasal pala sya sayo ngayon." Nang-aasar na giit naman ni Izaac sa kanya. Mukha pang seryoso ang hilatsa ng mukha nito ng sabihin iyon sa kanya.

Agad nya itong kinuwelyuhan. Nag-aalala namang inawat sya ng iba pa nilang mga kaibigan. "Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Alfonzo, ha. Louisse can never do that to me!" Mariin nyang sabi dito. Pero tinawanan lang yun ni Izaac saka tinapik ang kanyang braso.

"Relax, dude. Masyado ka kasing praning. Baka na-trapik lang yun." Nakangiting sagot naman nito sa kanya.

He blows a loud breath and then he fixed Izaac's barong. "Wag kang nang aasar dahil kapag ikaw naman ang ikinasal, hindi mo magugustuhan ang igaganti ko sayo." Sabi nya naman dito saka ngumisi.

"Eeewww! Wala pa akong balak magpasakal, noh!" Nakangiwing sagot naman nito sa kanya. "At kung gaganti ka pala, thank you, dahil binigyan mo ako ng idea para wag ng mag-asawa." Dagdag pa nitong sabi sa kanya saka tumawa.

Natawa naman ang iba pa nilang mga kaibigan dahil sa sinabi nito sa kanya.

"If cupid hits you hard. Who you ka sa 'kin!" He said then he raised his middle finger in Izaac.

"Its never gonna happen, dude!" Tiwala sa sariling sabi nito saka tumawa.

Nakakunut-noo nya itong tiningnan saka napailing na lamang sya sa kalokohan nito.

"She's here!" Narinig nyang malakas na sabi ni Lynelle habang tumatakbo ito patungo sa pinto ng simbahan. Inihanda nya na ang kanyang sarili.

Nag-umpisa ng mag-marcha ang mga ring bearer, flower girls, mga abay, ninong at ninang, napangiti sya ng makita ang kanyang asawa na marahang naglalakad kasama ang mga magulang nito.

Napabuntung-hininga sya ng malalim. This is it! Ang lihim nyang naisaloob. Finally, she's really mine now! Kanyang-kanya na ng buong-buo si Louisse dahil may blessing na sila ng mga parents nito and aside from that, hindi lang sila civil naikasal kundi may blessings na din sila ng simbahan.

Tuluyan ng naglandas sa kanyang mga pisngi ang mga luhang kanina pa nais kumawala sa knyang mga mata. Hindi nya maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito habang pinagmamasdan ang kanyang napakagandang asawa sa suot nitong wedding gown while walking slowly in the aisle. Ganito pala kasaya ang ikasal ka ng totoo. yung walang halong pagkukunwari. Yung binubuklod ng totoong pagmamahal. Lahat ng pagod at paghihirap nya para sa kanyang asawa ay worth it naman because he love Louisse. He love his wife so much more than himself!

Nang salubungin nya ito ay nginitian sya nito. Pinahid nito ang kanyang mga luha.

"Ikaw na ang bahala sa anak namin, ha." Saad ng ina ni Louisse sa kanya.

Tumango naman sya. "Opo, Ma'am." Sagot nya.

"Nanay o Inay na lang, Iho." Saad na utos nito sa kanya na ikinangiti nya naman saka tumango. Niyakap sya nito at hinalikan sa pisngi.

Billionaire Man's Affection Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon