Dahil sa walang gustong magpatalo kina Kenji at Nathan sa kung sino ang maguuwi kay Anika, they ended up na magkasamang uuwi.
Pareho silang walang imikan sa loob ng kotse nang maya-maya ay biglang may sumulpot na pusa sa harap ng kotse kaya biglang napapreno si Kenji.
Si Kenji ang nagdidrive dahil kotse niya ang gamit.
Dahil sa biglang pagpreno niya ay muntikan nang tumilapon si Anika sa upuan sa likod buti na lang at nakaseatbelt ito.
Mabilis na sabay na napalingon sina Nathan at Kenji sa likod para echeck kung okay lang ba ang sakay nila. Sabay din silang napabuntong-hininga ng masigurong maayos lang ito.
Napatingin si Kenji kay Nathan. "Alam mo nakikita kong mabuti ka naman tao at totoo ang pag-aalala mo kay Anika pero bakit mo siya sinasaktan?" Biglang tanong ni Kenji na ikagulat ni Nathan.
Nanlaki ang mga mata nito na napalunok pa. Hindi kasi niya inaasahan na itatanong iyon ni Kenji sa kanya.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Depensang sagot niya sabay iwas ng tingin dito
"'Wag ka nang magdeny dahil magaling ako sa pag obserba ng tao at nakikita kong hindi normal ang inaasal mo around Anika at the way na titigan mo siya." Panghuhuli ni Kenji based sa obsebasyon niya na maaring tama siya pero maari din naman na hindi.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Nathan sabay titig sa kaibigan ng asawa. "Wag ka ngang gumawa ng kwento!" Pinandilatan pa niya ito.
Gumanti ng tawa si Kenji. "Kung mayron ka man nararamdaman para kay Anika you better show it dahil sinasabi ko sayo kapag ang kaibigan ko ang sumuko –"
"Pwede ba Kenji tumigil ka na sa kakagawa ng kwento!" Pasigaw na putol ni Nathan na galit na galit na. "Wala akong nararamdaman sa kaibigan mo! Pinakasalan ko lang siya dahil sa sinasabi niyang may nangyari sa'min at dahil na rin sa kahihiyan sa mga magulang at sa Uncle niya na bestfriend ko." He insisted. "I love Kylie at siya ang pinangakuan ko ng kasal!"
Mula sa likod ay lingid sa kaalaman ng dalawang lalaki ay conscious at medyo nahimasmasan na si Anika dahil sa nangyari kaninang biglang pagpreno ni Kenji. Malinaw na malinaw ang pagkakarinig niya sa mga sinabi ni Nathan. Tahimik na umiiyak siya sa likod dahil sa sobrang sakit.
* * * * *
Nang makarating na sa bahay sina Anika ay nagkunwari pa rin siyang lasing.
"Nasaan na tayo?" Kunwari'y tanong niya ng ibaba na siya ni Kenji saka nagkunwari pa siyang matutumba kaya agad naman siyang nasalo ng kaibigan tumawa siya sabay yakap ng mahigpit kay Kenji. "Kenj...pakasal na tayo!" Aniya dito na ikagulat nito.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo kasal ka na 'diba?"
Samantalang si Nathan naman ay mahigpit na napakuyom ng kamao dahil sa sinabi ng asawa sa kaibigan nito, mabilis na siyang tumalikod at mabibigat ang mga paa na nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay.
Pagkaalis ni Nathan ay agad nang napakalas sa pagkakayakap si Anika kay Kenji.
"Narinig mo ba ang mga sinabi ng asawa mo?" Tanong ni Kenji sa kaibigan na alam niyang wala na ang pagkalasing nito.
Kabisado na niya ang kaibigan kaya alam na alam niya ang mga pinagkikilos nito.
Malungkot na tumango-tango si Anika.
BINABASA MO ANG
The Game of Love
RomanceSa laro ng pag-ibig talo ang unang susuko. Ikaw hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Susuko ka ba agad o lalaban ka hanggang sa huli kahit ang sakit-sakit na?