CHAPTER TEN

157 7 0
                                    


Kanina pa hindi mapakali si Nathan sa kinauupuan at kanina pa din siya tingin ng tingin sa pinto. Hangggang ngayon kasi ay hindi pa rin dumarating si Anika, anong oras na.

"Teka lang bakit mo ba siya hinhintay?" Saway na bulong niya sa sarili.

Oo nga naman bakit nga ba naman kasi nya hinihintay ito? Ano naman pakialam niya kung wala pa ito, diba?

Ibinalik na lang niya tuloy ang atensyon sa binabasa ng mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na may papasok kaya agad siyang napaangat ng tingin dito pero laking pagkadismaya niya dahil hindi pa rin iyon si Anika.

"Nathan! Stop it!" Nangigigil na muling saway niya sa sarili dahil sa ginagawa.

Pabalik na sana siya ulit ng tingin sa binabasa ng mamataan na niya ang hinihintay. Wala sa sariling napatayo siya mula sa upuan at mabilis na lumabas ng kanilang opisina.

Nang makalabas na siya ay agad niya kinuha ang cellphone at tinawagan si Anika para papuntahin ito sa rooftop.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niya papuntahin sa rooftop si Anika para kausapin.

Why is he acting like this kung nakapagdesesyon na siya kung sino ba talaga ang mas matimbang sa puso niya. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili, gusto niya tigilan na ang ginagawa pero hindi niya mapigilan.

Pagdating niya sa rooftop ay hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Anika.

"Bakit?" Tanong agad ni Anika sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong din niya dito saka tumingin siya sa relo. "Anong oras na, muntikan ka nang malate. Since bago ka pa lang sa trabaho ay dapat lagi kang maaga." Dugtong pa niyang panenermon dito.

"E, hinintay ko pa kasi si Kenji kaya natagalan ako." Sagot naman ni Anika sa asawa.

"Pinasabay na kasi kita kanina ayaw mo..."

"Hindi nga kasi pwede diba, dahil si Kenji ang husband ko – I mean kunwari bilang husband ko."

"Bakit ba kasi kailangan niyang magkunwaring asawa mo?" Medyo tumaas ang tono ng boses na tanong niya kaya napakunot ng noo si Anika. "I mean ano ang purpose?" Panglilinaw niya sa tanong ng mapagtanto na medyo parang exaggerated ang pagkakataas niya ng boses.

"Syempre to lure Marcus away,  eh  ayaw mo naman na sabihin ko na ikaw ang asawa ko –"

"So kaya ang kaibigan mo na lang ang pinagpangap mo!?" Hindi makapaniwalang putol niya sa sinasabi ni Anika.

"Oo.. bakit may problema ba 'don?"

"Oo, e pano kung makarating kay Papa ang pagpapangap niyong dalawa?"

"Ano ka ba madali lang naman eexplain 'yon, kaya wag kang mag-alala...or kung talagang nag-aalala ka pwede naman natin sabihin na tayong dalawa talaga ang mag-asawa –"

"NO!" Mabilis na putol na pagtutol niya sa sinasabi nito.

"Yon naman pala,e di hayaan mo na lang ako." Wika ni Anika sabay ngiti.

Pasimpleng napakuyom na lang tuloy si Nathan ng kamao dahil sa inis na nararamdaman, hindi niya alam kung kanino basta naiinis siya.


The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon