CHAPTER FOURTEEN

127 7 0
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Nathan sa kakaisip kung paano kakausapin si Kylie. Kailangan na niya kasing kausapin ito dahil kapag pinatagal pa niya ay alam niyang mas lalo pa itong masasaktan.

"May problema ba?" Tanong sa kanya ni Anika.

Lunch break kaya pumunta muna silang dalawa sa rooftop para makapag-usap at sympre para makapagmoments din.

Tumingin siya sa asawa sabay hawak sa kamay nito. "Kakausapin ko na mamaya si Kylie." Sagot niya.

Huminga muna ng malalim si Anika bago nagsalita. "Paano mo ipapaliwanag sa kanya ang lahat?" Pag-aalalang usisa niya.

"Yon nga ang pinag-iisipan ko e, ayaw ko siyang masaktan pero hindi kung alam kung papaanong gagawin ko para hindi siya masaktan –" Namomobleman sagot ulit ni Nathan.

"Imposible naman 'atang hindi siya masasaktan." Sabi ni Anika.

Napabuntong hininga tuloy si Nathan dahil sa sinabi ni Anika na totoo naman. "Oo alam ko... Kahit anong gawin o sabihin ko ay alam kong masasaktan pa rin siya." Sang-ayon niya.

Nalungkot tuloy si Anika dahil sa pamomoblema ng kanyang asawa. "Sorry dahil sa'kin namomoblema ka tuloy ng ganito." Paghingi niya ng paumanhin kaya lumipat ang hawak ni Nathan sa kanyang pisingi.

"Ano ka ba hindi mo kasalanan ito, talagang nakatadhana na ito kaya walang may kasalanan." Pampalubag-loob na sabi ni Nathan sa asawa.

"Pero –" Sasagot pa sana si Anika pero pinutol na iyon ni Nathan sa pamamagitan ng isang maiksing halik.

"Sige kapag nagsalita ka pa ulit, hahalikan ulit kita." Nakangiting saad ni Nathan kaya sumama ang tingin ni Anika sa asawa pero muli lang niya itong hinalikan.

"Ikaw talaga may makakita nga sa'tin dito e." Reklamo ni Anika sabay hampas sa braso nito dahil sa ginawa ni Nathan na paghalik sa kanya.

Pero embes na mabahala ay hinila pa nito si Anika saka niyakap. "Wag ka na kasing mamoblema ng hindi mo naman dapat problemahin, ako na ang bahala ng lahat,okay?" Sabi niya habang yakap-yakap ang asawa.

Napatango-tango na lang si Anika at gumanti na rin ng yakap sa asawa.

Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Nathan kay Anika at napangiti pa ng malapad. Hindi niya alam kung bakit para siyang teenager na naiinlove pa lang dahil sa pagiging clingy niya kay Anika. Hindi naman siya ganito kay Kylie pero ibang-iba siya sa kanyang asawa.

Siguro ito lang talaga ata ang epekto sa kanya ni Anika because he loves her more than anyone else at alam niya gayon din ito sa kanya.


* * * * *


Naglalakad na pabalik si Anika sa kanilang opisina galing sa Accounting department dahil may iniutos sa kanya si Mr. Diaz ng bigla niyang matanaw si Nathan na naglalakad pasakay ng elevator kaya napangiti siya at mabilis na hahabol sana pero bigla siyang napahinto sa paglalakad ng makita niyang andoon din pala si Kylie.

Naglaho tuloy ang ngiti niya at hindi na muna gumalaw sa kinatatayuan, alam niyang kasing magiging awkward lang kung sasabay pa siya sa elevator na kasama ang dalawa.

Nang sumarado na ang elevator ay naglakad na siya ulit papunta sa elevator pero bigla ulit siyang napatigil ng mamataan naman niya si Marcus kaya tinawag niya ito.

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon