Mabilis na napasugod si Nathan sa bahay nina Anika dahil sa mga sinabi sa kanya ni Hector.
Pagdating na pagdating niya agad siyang nagdoorbell pero nakakailang pindot na siyang ng doorbell ay walang nagbubukas.
"Anika!" Kaya wala na siyang ibang paraan na naiisip kundi ang sumigaw habang pinipindot ang doorbell. "Anika! Anika! Anika!" Paulit-ulit na sigaw niya sa pangalan ng asawa pero kahit anong lakas ng boses at paulit-ulit na pindot niya sa doorbell ay wala talagang lumalabas.
Nang biglang may humintong sasakyan sa gilid niya kaya napatingin siya doon.
"Sir, Walang tao diyan, umalis kanina ang buong pamilya." Pagmamagandang loob na pagbibigay alam sa kanya ng lalaking sakay ng kotse.
"Alam niyo po ba kung saan sila pumunta?" Tanong niya dito.
"Naku pasensya na po hindi ko alam, natanaw ko lang kanina ang pag-alis nila." Sagot naman nito na ikinalungkot niya.
"Ah, ganun po ba. Salamat po." Malungkot na wikang pasasalamat na lang niya dito saka umalis na ito.
Isang malalim na buntong hininga na napasalampak na lang siya ng pagkakaupo sa harap ng gate ng bahay nina Anika.
Hindi niya na alam ang gagawin kung paanong hahanapin ang asawa.
Hindi rin niya alam kung bakit siya nito iniwaan, kung ano ba ang kasalanan niya? Ano ba ang nagawa niyang pagkakamali dito? Gusto niya itong kausapin pero hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin.
Nang biglang naalala niya ang si Kenji.
Tama, panigurong may alam si Kenji dahil bestfriend ito ni Anika. Pero ang problema ay wala naman siyang number nito at higit sa lahat hindi din niya alam kung saan ang bahay nito.
Nanlulumong napahilamos na lang tuloy siya ng kanyang mga palad.
* * * * *
Ilang araw na rin ang lumipas mula ng bigla na lang iwanan ni Anika si Nathan at ilang araw na rin na halos walang tulog si Nathan dahil sa paghahanap niya kay Anika, lahat ng alam niyang pwedeng puntahan ng pamilya nito ay pinuntahan na niya, lahat ng mga kaibigan nila ni Hector na posibleng may alam kung nasaan ito ay natanong na niya pero wala. Wala talaga siyang nakuhang impormasyon sa kinaroroonan nang asawa.
Nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya alam kung bakit nangyayari ito. Akala niya happy ending na sila. Akala niya mahal siya ni Anika pero bakit? Bakit ito umalis? Bakit siya nito iniwan? Ano ang naging kasalanan niya?
Mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya na hindi niya alam kung masasagot pa ba.
Dahil sa sama ng loob ay napagpasyahan niyang pumunta at uminom muna sa bar kung saan madalas silang pumunta ni Hector at magbabakasakali rin siya doon na baka may iba pa silang kakilala ni Hector na may alam ng iba pang lugar na posibleng puntahan ng buong pamilya ng mga ito.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang makikita pala niya doon ay si Kylie. Ilang araw na rin niya itong hindi nakakausap dahil hinahayaan na muna niyang mawala ang galit nito bago muling kausapin at humingi ulit ng tawad.
Huminga muna siya ng malalim saka naglakad siya palapit dito at magbabakasakaling kausapin na siya nito.
"Kylie." Tawag niya ng pansin nito. Agad namang napalingon ito sa kanya at nagulat pa nang makita siya.
BINABASA MO ANG
The Game of Love
RomanceSa laro ng pag-ibig talo ang unang susuko. Ikaw hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Susuko ka ba agad o lalaban ka hanggang sa huli kahit ang sakit-sakit na?