Nang mapansin ni Kenji na parang maiiyak na si Anika habang nakatingin kina Nathan at Kylie ay agad niyang hinawakan ang kamay nito't pinisil-pisil para iparamdam dito na nasa tabi lang siya nito.
Samantalang kahit si Nathan ay hindi rin inaasahan na makikita sina Anika at Kenji kaya talagang nagulat s'ya pero mabilis din naman s'yang nakabawi at nagkuwaring walang pakialam. Ngunit nang mapansin n'ya ang paghawak ni Kenji sa kamay ng asawa'y hindi n'ya napigilan ang pagtaas ng kanyang kilay mabuti na lang at walang nakapansin lalo na si Kylie.
"Kahit wala pa silang sinasabi alam ko na sunod na rin silang ikakasal." Wika pa ng pinsan ni Kylie na si Bryan kina Anika.
"Bryan..."Pigil ni Kylie sa pinsan habang nakatingin kay Anika.
Bilang isang babae ay naiintindihan n'ya ang nararamdaman nito dahil sa mga oras na ito'y nasasaktan din s'ya lalo na sa t'wing nakakarinig ng salitang kasal.
Hindi siya martyr para hindi masaktan sa nangyari. Kung noo'y talagang lino-look forward niya ang kasal nila ni Nathan ngunit ngayon....iba na ang nararamdaman niya sa t'wing naririnig iyon.
Ngunit dahil walang alam si Bryan sa nangyari sa sitwasyon nina Nathan, Kylie at Anika ay ngumiti lang ito. "Bakit? Totoo naman diba? Narinig ko kayo minsan na nagpaplano na kayong magpakasal." Bumaling ang tingin nito kina Kenji at Anika. "Kaya galingan niyo ang performance niyo para kapag nagpakasal na ang dalawang ito ay kayo na ang kunin na singer..." Lumipat ang tingin nito kina Kyle at Nathan. "Ako na sasagot sa talent fee nila sa kasal niyo."
Gustong-gusto na ni Kenji ilayo si Anika dahil nararamdaman na niya na naglalamig na ang kamay nito ngunit kailangan nilang maging professional. Hindi dapat inihahalo ang personal na buhay sa trabaho.
"Sige Sir, gagaling namin." Sagot na lang ni Kenji para magkaroon na siya ng pagkakataon na magpaalam na dito. "Maiwan po muna pala namin kayo kasi kailangan pa namin echeck ang mga gagamitin namin at kakantahin."
"Oh! Sure sure! Sige mamaya na lang ulit tayo mag-usap." Nakangiting sagot ni Bryan.
Agad na dinala ni Kenji si Anika sa likod ng stage, pinaupo muna bago binigyan ng tubig.
"Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.
Embes na sumagot ay pumikit lang si Anika habang nanginginig ang kamay kaya kinuha ni Kenji dito ang baso. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Hindi na pinigilan ni Anika ang sarili at humagugol na ng iyak.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay sinundan pala ang mga ito ni Nathan at kitang-kita nito ang paghagulgol ng iyak ni Anika pati na rin ang pagyakap ni Kenji dito.
Mabilis na naglakad palayo si Nathan.
"Ang sakit-sakit Kenj..." Hinaing ni Anika sa gitna ng pag-iyak.
"Ikaw naman kasi... bakit mo kasi pinasok-pasok yang sitwasyon na yan na alam mo naman na masasaktan ka lang." Ani Kenji sa kanya na mas lalong nagpalakas sa paghagulgol nito. "Ano ka ba tumigil ka na nga, baka mapagkamalan pang inaway kita."
"Ikaw kaya lumagay sa sitwasyon ko!" Himutok ni Anika habang umiiyak.
"Alam ko ang nararamdaman mo dahil naranasan ko na rin ang ganyan." Sagot ni Kenji na naging dahilan ng biglaan pagtahan ni Anika. Titig na titig ito sa kaibigan sa pagtataka.
"Talaga? May minahal ka na ng totoo?" Hindi makapaniwala si Anika. Sa tagal na nilang magkakilala never niyang nakita itong nainlove kaya how come? Paanong nakaligtas sa kanya ang ganoon na bagay?
Umiwas ng tingin si Kenji saka umupo sa isang upuan, lumungkot ang mukha at huminga muna ng malalim bago bumalik ang tingin sa kaibigan. Hindi agad siya nag salita. Muling huminga ng malalim sabay sabing. "JOKE LANG!" Abot tenga ang ngiti nito sa ginawang pangloloko kay Anika.
BINABASA MO ANG
The Game of Love
RomanceSa laro ng pag-ibig talo ang unang susuko. Ikaw hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Susuko ka ba agad o lalaban ka hanggang sa huli kahit ang sakit-sakit na?