#52 - Bakit Ako Magagalit?

122 7 0
                                    

Bakit ako magagalit?
Kung bawat araw, ikaw ang ligaya
Ligaya sa aking umaga
Ligaya ng aking mga mata

Bakit ako magagalit?
Kung ilang beses mo naman akong binabanggit
Hindi mo ako mawala sa iyong isip

Bakit ako magagalit?
Kung lagi mong sinasabi
"Mahal kita, ikaw lang sapat na"
Mahal, matulog ka na
Bukas na ulit

100 Tula Para Sa IyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon