#25 - Nasaan Ka?

180 11 0
                                    

Sa bawat patak ng luha ko
Napapatanong ako sa aking sarili
Nasaan  ka na ba mahal ko?
Nasaan ka para punasan ang mga luha ko?

Tanging unan at kumot na lang ang kasama ko
Kasama ko sa bawat hikbi na walang ni isa ang makarinig
Sana'y kainin na lang ako ng lupa
Ayoko na, ayoko na masaktan pa

Dumating na ako sa puntong pasuko na
Mahal darating ka pa ba?
Sagipin mo naman ako sinta
Isa, dalawa, tatlo
Ang pagmamahalan natin ay nalunod na

100 Tula Para Sa IyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon