Mahal,
Pinapalaya na kita
Uusad na akong mag-isa
Sabi kasi nila ang pagpapalaya
Ang pagpapalaya ay isa ring klase ng pagmamahal
At iyon ang meron ako para sayo
Ang pagpapalaya ko ay ang simula mo
Simula ng mga ngiti sa labi mo
Simula ng mga umagang magaan para sayo
Wala na lahat ang sakit mahal ko
Pinapalaya na kita
Uusad na ako para sa sarili ko
Iiwan ko na ang pait sa puso ko
Dahil iyon ay gusto ko
Dahil iyon ang nararapat para sayo
Mahal, gusto ko lang malaman mo
Mahal kita kaya ko gagawin ito
Sana dumating iyong araw na makita kita ulit at masabing tapos na nga ang lahat ng pait
Mahal, malaya ka na
Malaya ka na dahil mahal na mahal kita
Malaya ka na at ayokong masaktan pa kita
Masaktan pa natin ang isa't isa
Hanggang dito na lang ako
Uusad na mag-isa
Uusad na dahil mahal talaga kita
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Sa Iyo
PoesíaI love writing poetries, that's why I made this section for my written works. Hope you enjoy reading! :)