Chapter 5: Business Deal

25 0 0
                                    

Gab's PoV

Nakasakay na kami sa kotse ni Aries. Alam niyo yung Awkward? Huhuhu! Grabe. Di parin talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni Manang. Pero wala akong gusto kay Aries okay? NEVER!

Kasi, kung ako yung unang dinala ni Aries sa bahay nila. Edi ibig sabihin... UGH! Ewan. Ang gulo!

"Are you okay?" biglang nagsalita si Aries.

"O-Oo naman. Bilisan mo gusto ko ng umuwi."

"Ts."

*Then, moment of silence.*

*****

Aries' PoV

"Ts." Nakakaasar talaga 'tong babaeng 'to. Siya na nga ihahantid, siya pa magrereklamo.

Gusto niyo bang malaman kung bakit ko siya sinabihan na magpanggap na girlfriend ko? Kasi may pustahan kami ng barkada ko na kapag napasagot ko 'tong babaeng 'to, 1000 per week. Kaya isipin niyo kung magkano din yun. Eh, ayoko namang ligawan? Edi magpanggap nalang! Isa pa, parang ok lang rin naman na sakanya dahil sa mga pekeng effort na pinapakita ko sakanya eh. Bwahahaha!

"Dito na ko. Salamat sa paghatid."

Pagkababa niya ng sasakyan, hinantay ko siyang makapasok muna ng bahay nila at nung nakapasok na siya, umalis narin ako agad.

*****

Gab's PoV

Dapat ba akong kiligin dahil sa mga ginagawa niya? Alam naman nating lahat na Certified Badboy yang si Aries. At ako? Isang boyish na nilalang na laging binubully at inaasar. Ewan ko ba. Sa tinagal tagal ko dito sa KHA binubully parin talaga ako. Kumbaga parang, Mr. Heartthrob meets Ms. No one. Hay.

Alam niyo kasi, kahit na medyo may pagkalalaki ako, mabilis parin ako mafall. Lalo na sa mga efforts. Babae parin naman ako noh! Nasasaktan din ako. May pakiramdam parin naman ako.

Hay nako. Makatulog nga muna ulit.

*5 Minutes Later*

*Riiiiing Riiiiiiing*

*Daphne Calling...*

"GABOUREEEEYY!!!" Ang ingay talaga ne'tong babaeng 'toooo!! Pasalamat siya mahal ko siya ha. Kundi matagal na 'tong tinamaan sakin.

"Kailangan sumigaw?!"

"Ay hindi sorry na. Hahaha! Pupunta ako jan ha! Sige bye!! Paghanda mo ko ng pagkain ah! Gusto ko yung masarap! Bye bestie!!"

Tas inend call na nya. Ano kayang sapak non? Pero sanay na ko. Bahala na siyang maghanap ng makakain sa baba. Basta ako matutulog nalang.

Hindi ko pa naipipikit mata ko, biglang may nagdoor bell. Ang bilis naman yata ni Daphne? Loka loka talaga yun.

Kaya bumaba na ako para buksan yung pinto.

"I-Ikaw nanaman?! Ano nanaman bang problema mo?!" Guess who!! Si Aries nanaman! Naaasar na talaga ko dito ah.

"May dala akong groceries jan sa kotse. Tas eto mcdo. Baka kasi magpalipas ka nanaman ng gutom eh."

"Hindi ko kailangan nyan. Pwede ka ng umalis."

Sabay sara ng pinto. Pero hindi lumapat yung pagkakasara dahil pinigilan ni Aries.

Tapos lumapit siya sakit at hinalikan ako sa noo. WAIT ANO?! WAAAAHHH!!!

"Ano ba!" Sigaw ko sakanya.

"Why? I'm your boyfriend so anong problema sa ginawa ko?"

"Boyfriend? Eh diba sabi mo nga, PAGPAPANGGAP LANG 'to?"

"Oh come on. Oh, kunin mo na 'to bago pa magbago isip ko."

Tas umalis na rin siya. Kay Daphne ko nalang ipapakain yan. Kesa magluto pa ako. Mehehe.

Mamaya pa dumating narin si Daphne.

"Hi Gaboureeeey! Nasan na pagkain ko???" *insert pa cute face*

"Oh ayan." Tas inabot ko sakanya yung Mcdo na bigay sakin ni Aries.

"Wow naman bestie!! Nagpa-deliever ka pa talaga para sakin? Thank you!!"

"Anong nagpa-deliever? Bigay lang sakin yan ni ano.." Nagdadalawang isip kong sabi.

"Nino? Don't tell me may boyfriend ka na pero di ko alam? Magtatampo talaga ako sayo niyan."

"Baliw hahaha. Si Aries."

"What?! Kayo ni Aries?!"

"Ano ba! Hindi. Pinagpapanggap niya lang ako na maging girlfriend niya. Ewan ko ba kung bakit."

"Wooow. Bestie kahit nagseselos ako, sige okay lang. Hahaha! Thank you narin dito! Parang si Aries narin nagbigay. Wahahaha!"

******

READ.VOTE.COMMENT

Thanks <3 :*

My First & Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon