Chapter 6: Weird!

20 0 0
                                    

Buti nalang meron kaming 1 week vacation. Haaay. Sa wakas, Anti-Aries ako ngayooon! Yeeees!

Nandito parin ako ngayon sa kwarto ko. Ano nga bang gagawin ko sa baba? Wala pa naman akong ganang kumain. Pero nagtoothbrush at naghilamos na ko ah. Nagf-facebook lang ako at nagt-twitter. Wala na akong ibang maisip na gawin eh. Habang nags-scroll ako sa twitter ko, may nakita akong stolen picture ni Aries. Iba nga naman talaga kapag gwapo noh? Halata pang kilig na kilig yung nagpost.

"Shet!! Ang pogi niyaaa! Grabeee!!"

Hay nako. Gwapo nga, ugali naman. Tsk. Mahilig din ako manuod ng mga youtubers.

Maya maya pa, may biglang nag doorbell. Hindi naman nagsabi si Daphne na pupunta siya dito. Sino kaya yon.

Kaya bumaba na ako ng hagdan para tignan kung sino yung nagdoorbell.

******

"Ay P-utch-a." Mahinang sabi ko. Pano ba naman? Akala ko mapapahinga na ko dito sa asungot na 'to. Grabe naman T^T

"Hi there." Sabi sakin ni Aries.

"Ano nanaman ba? Please pagpahingahin mo naman ako Aries oh!"

"I'm not here to give you headache. Sinusundo kita. So get dressed up, and come with me. May pupuntahan tayo. Bilisan mo ah. I hate waiting."

"P-pero...---" Hindi ko na natuloy yung sinabi ko ng biglang magsalita si Aries.

"Wala ng pero pero. Sumunod ka nalang para wala ng gulo."

Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Naligo na ako tas naghanap na ko ng isusuot. Pero bago ako nagdamit..

"Aries!! San ba talaga tayo pupunta?!"

"Basta magsuot ka ng matinong damit."

Edi yun nga nagsuot ako ng "MATINONG DAMIT" tas bumaba na ako.

Nung nandun na kami sa tapat ng kotse ni Aries, pinagbuksan niya ko ng pintuan tas sumakay narin ako agad.

"San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Kasi naman noh? Umagang umaga iistorbohin niya ko? Grabe yun!

"Shh." Grabe ah? Gandang sagot!

******

"Oh, Aries! Siya ba yung Girlfriend mo? Galing talaga pumili ng anak ko! Oh hija, maupo ka muna." Sabi ng daddy yata ni Aries.

"Yeah right." Matipid na sabi ni Aries. Ako naman parang, Hello Aries? Libre magsalita! Masyado kang matipid magsalita grabe.

At dahil mabubulok na yata kami dun dahil sa katahimikan, nagsalita na ako.

"Aries.." Pagsisimula ko.

Itinaas niya lang ang kilay niya. Suplado talaga! Amp.

"May nabanggit sakin si Manang.."

Bigla namang nanlaki yung mata niya na para bang, isang napakalaking kahihiyan yun.

"W-What is it?" Sabi niya.

"May sakit daw daddy mo? Kaya interesado siya sa magiging Future Wife mo?"

"It's none of your business. I don't love you. And you don't love me din naman diba? Uulitin ko. NAGPAPANGGAP lang tayo."

At pagkatapos non, hindi nalang ako nagsalita.

Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating narin ulit ang Daddy ni Aries.

"Osige, jan muna kayo ha? May Emergency meeting lang ako. Dadating daw sila Paul maya maya."

Hindi naman pinansin ni Aries ang Daddy niya. One and Only kasi kaya Spoiled Brat eh.

"Bakit ang sungit mo sa Daddy mo? Eh ang bait naman niya sayo ah? Buti ka pa nga may daddy ka pa eh."

"What do you wanna do? Do you play video games?" Tanong sakin ni Aries.

"Hindi. Sige ikaw nalang. Ok lang ako."

Dahil nabo-bore na ako sa loob ng bahay, minabuti kong lumabas muna. Nakakabaliw ang katahimikan sa loob. Ni-hindi manlang umiimik si Aries. Nandito ako ngayon sa Garden sa gilid ng bahay nila. May swimming pool din sila.

Maya maya pa, may kumalabit sakin.

"Hey. Let me guess who's this pretty lady? Aries', Girlfriend?.....for rent?"

Hindi nalang ako umimik. Mukhang weirdo din 'tong isang 'to ah.

"Hey, you know? I'm just kidding. Tara pasok na tayo?"

Sumama nalang ako sakanya papasok, atleast may madaldal na ngayon.

"Hey bro! Long time no see!" Sabi nung lalaki kanina.

Pero hindi niya pinansin at nakipag shake hands lang si Aries sakanya. Tas umupo sa tabi ko yung lalaki.

"Paul nga pala. And you are?" Sabi sakin nung lalaki. Gwapo rin ha!

"Gabriella. Gab for short." Tas nag shakehands din kami.

Si Aries naman halos walang kapaki-pakialam saamin. Sobrang busy sa panonood ng basketball. Hindi na siya naglaro kasi tinamad narin siya.

"Bree, labas muna tayo?" Bulong sakin ni Paul.

Sumunod narin ako at konti nalang parang papalitan ko na ang pwesto ng Statue of the Liberty. Hahaha pero syempre, joke lang.

"Bakit nga pala?" Tanong ko kay Paul.

"Masaya ka ba?" Tanong naman niya sakin. Ano bang problema ne'to? FC lang? Hahaha dejk.

"Oo naman. Bakit?"

"Weh? Bakit ka masaya?"

"May dahilan ba para maging malungkot ako?" Hindi pa naman ako naloloka noh! Hahaha.

"I love you." Sabi sakin ni Paul. Anong kalokohan naman kaya 'to? Kaya tinawanan ko nalang siya.

"Oh ayan. Masaya ka nga." Sabi niya sakin. Nginitian ko lang siya.

"Pero... Tandaan mo rin itong lugar na 'to. Dito ka rin iiyak ng kasama ako. Dito ka maglalabas ng galit o sama ng loob mo." Nagulat naman ako sa sinabi niyang yon. Parang kasi kakakilala lang namin, pero para na kaming matagal magkakilala. Gumaan narin loob ko sakanya nung araw na yon.

*******

My First & Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon