Ilang araw narin ang nakakalipas kaya naging close narin kami ni Paul. Masyado kasing friendly kaya yun. Hahaha!
Nasa park kami ngayon. Bonding bonding lang kasi bored haha.
"Tara upo muna tayo." Aya sakin ni Paul.
Tas naupo naman kami. Pinapanuod namin yung nga batang naglalaro sa Playground. Namiss ko tuloy childhood ko. Hahaha pero ok lang rin naman yung ngayon, mas marami lang stress ngayon.
"Kayo nga ba ni Aries?" Seryosong tanong sakin ni Paul.
"Ewan ko din e." Sagot ko naman.
"Bakit naman ewan mo?"
"Eh kasi, sabi niya magpanggap daw ako bilang girlfriend niya. Eh syempre ako naman na di ko naman talaga siya kilala, magtataka rin ako. Diba?"
"Ah. Basta, ingat ka ha. Wag kang basta basta mahuhulog sakanya. Para narin kitang kapatid, kaya ayokong makikita kabg umiiyak. Okay?"
"Okay. Pero bakit naman?"
"Basta. Tara, gusto mo kumain? Libre ko."
******
Aries' PoV
I'm on my way to Gab's House. Namimiss ko na siyang kulitin. Pag dating ko dun, nag doorbell nako.
5 Minutes na hindi niya parin binubuksan yung pinto. Dati naman isang doorbell ko lang sakanya, binubuksan na niya agad. Imposible naman ding umalis siya kasi....
Wait hindi naka lock yung pinto. Pumasok na ako at umakyat sa kwarto niya. Pagkapasok ko, tulog siya. Pero teka? Magt-12 na ah? Di naman 'to ganitong ka late magising.
Kaya sinubukan ko siyang gisingin pero parang ginaw na ginaw siya. Di kaya may sakit nanaman 'to?
"A-Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw sakin ni Gab.
"Chill. Ang boring sa bahay e. Kaya pinuntahan kita. Teka nga, may sakit ka nanaman ba?" Tanong ko sakanya. Pano ba naman kasi? Ang putla putla, tapos nanginginig sa lamig. Eh ang hina naman ng aircon niya.
"H-Hindi. Ayos lang ako. May pagkain sa baba, may movies din jan. Bahala ka na pumili."
Maya maya, naririnig ko siyang umuubo.
"Ok ka lang ba talaga?" Tas sinilip ko siya at hinawakan ang ulo niya. Mainit nga siya at parang umiiyak siya. Huh?! Ano?! Si Gab?! Umiiyak?! HIMALAAA!
"Eh ba't ka umiiyak?" Tanong ko naman sakanya. Subukan pa niyang magsinungalin babatukan ko na siya.
"Ako? Umiiyak? Mapuwing lang ako! Wag ka nga jan."
.
.
.
*boooogsh!* (Binatukan ko siya okay. Sound Effects syempre. Hahaha!)
"Aray ko naman!" Sigaw sakin ni Gab. Sabi ko sainyo babatukan ko 'to eh. Okay lang naman daw siya diba? Edi okay lang din na batukan ko siya ;)
********
Gab's PoV
"Aray ko naman!" Grabe ha?! Makabatok! Ang sakit pa naman ng ulo ko. Bakit ba kasi nandito 'tong asungot na 'to eh! Epal talaga 'to sa buhay ko eh!
"Okay ka lang naman diba? So what? Para namang hindi ka sanay na binabutukan kita."
"Baka kasi masa..... Bakit ka ba kasi nandito?!" Ayokong sabihin na masama pakiramdam ko kasi hindi ako komportable ng siya nagaalaga sakin. Naiilang ako pag pinupunasan niya ko. Feeling ko, habang nakapikit mga mata ko may ibang trip nanaman siyang gagawin. Diba?! Sino ba naman ang gustong maiwan kasama yang asungot na yan. SA IISANG KWARTO PA!
"Talaga lang ah?" Sabi sakin ni Aries.
.
.
.
"ANO BA?!" Pano ba naman hinawakan pa yung noo ko! Alam kong HOT ako okay? But please naman. Urgh.
Pero syempre, joke lang. Mehehe. Oo, HOT ako. Kasi kagabi pa ko nilalagnat. Hindi ako nakakakain sa tamang oras, tas naligo pa kami sa ulan kahapon ni Paul. Hahahaha! Sweet noh? Dejk. Bestfriends lang kami non :-) Pero di parin siya pwede kunin ng kahit na sino. :P Hahahajk.
"Oh. Eh bakit ang init mo?" Tanong niya sakin. Ernerber. HOT nga kasi ako!
"Wala nga yan! HOT talaga ako. So please? Wag ka ng makulit. Ganyan talaga ako."
"Nagsalita ang baboy." Bulong niya.
Akala mo hindi ko narinig yun ah!! Pasalamat ka masama pakiramdam ko kaya di kita mapatulan. Pero may araw ka rin sakin ARIES CALVIN MONTEMAYOR!!
*******
Kung hindi pang professional ang dating ng story ko, pag pasensyahan niyo na. Hahaha! 2nd story ko palang kasi 'to. Yung isa nga palpak pa yata eh. Hahaha. Pero i'll try my best for all the readers. Thank you sa patuloy na nagbabasa! Lovieeess! :**
VOTE
.
COMMENT
.
SHARE
.
❤️
BINABASA MO ANG
My First & Last Heartbreak
Teen FictionBakit kaya ganon? Yung lalaking nung una, sobrang kinamumuhian mo, sa huli mamahalin mo rin? At bakit kailangan, magpanggap ka pa na girlfriend niya, para lang malaman mo na siya na talaga? Most of the stories here on wattpad na nababasa ko, ganyan...