He left me! Hindi man lang ako nakaangal.
Sobrang diin ng pagsusulat ko dito sa diary ko ngayon.
Dapat nga sana hindi ko sinusulat tong part na to kaso kailangan na isulat ko ang nangyari sakin in full detail so I can read it tomorrow pag hindi ko na maalala.
Pagkatapos kong ibigay sakanya yung polo niya bukas, I hope I will never see his face ever again.
And that ended my diary entry for today.
Kumuha pa ako ng post-it at sinulat dun,
Must bring the white polo to the chinito kahapon sa fast food chain restaurant, 11:45AM.
Nilagay ko siya sa desk ko together with the polo na plinatsa ko. Ugh. Sarap sunugin kaso sobrang mahal. Branded kasi eh. Tsk.
Pagkagising ko kinaumagahan, wala na naman akong maalala.
Napatingin ako sa side table ko at 4AM palang pala. Nakita ko din yung white polo pati na din yung note.
Tumayo ako at tinignan ang nakasulat sa post it. Sigurado akong importante yun.
Must bring the white polo to the chinito kahapon sa fast food chain restaurant, 11:45PM.
Sino kaya si chinito? Natanong ko sa sarili ko kaya kinuha ko yung diary ko mula sa drawer ko.
And after I read my entry yesterday, kumulo pa ang dugo ko. Napakawalang hiya pala ng taong imi-meet ko ngayon. Psh.
Biglang may pumasok sa room ko.
"Memory, gising ka na pala."
Sabi ng familiar na babae sakin.
"Sino ka?"
I asked.
"Aurora Gonzales, ang Mama mo."
Ngumiti siya.
"Ahhh. Ikaw pala yan Ma."
Ngumiti ako pabalik.
"Sige, magluluto na ako ng almusal natin."
At umalis na siya sa kwarto ko.
Bigla kong naisip.
Ano kayang nararamdaman ni Mama everytime na tinatanong ko kung sino siya? I'm sure sobrang sakit.
Hayy. Kung may magagawa lang sana ako.
Kumain na ako ng breakfast then lumabas na ulit ako sa bahay.
Okay lang naman kay Mama na lumalabas ako palagi sa bahay. Para may maisulat ako palagi sa diary ko na iba't-ibang experiences.
BINABASA MO ANG
Keeping the Memories
FantasyEvery time Memory Aura Gonzales wakes up each day, she can't remember what happened to her. But one day, she met Keeper Tolentino, the very strange guy whom she thought that will help her keep her memories. Can Keeper really help Memory keep her mem...