"Memory, anak, gising na."
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.
Bumungad sakin ang isang mukhang pamilyar.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sakanya.
Biglang tumulo ang luha niya na agad niyang pinunasan.
"Ako si Aurora Gonzales. Ako ang Mama mo."
Ngumiti siya. Ngumiti din ako sakanya.
Kahit na hindi ko talaga maalala na siya ang Mama ko, parang mafi-feel ko nalang na siya nga talaga ang Mama ko.
"Anak, anong gusto mong kainin?"
Tanong niya sakin.
"Kahit ano na po."
Sagot ko naman bago ako pumasok sa banyo para maligo.
Habang naliligo ako, pilit kong inaalala ang mga nangyari kahapon. Pero kahit anong pilit ko, wala talaga akong maalala ni kahit isang detalye man lang.
Para bang ang nangyari sakin kahapon ay isang panaginip na hindi ko na maalala pagkagising ko.
Pagkatapos kong nagbihis, nagtungo na ako sa kusina.
"Saan ka pala pupunta ngayon anak?"
Tanong sakin ni Mama habang kumakain kami ng breakfast.
"Dyan dyan lang po. Sa tabi-tabi. Tatambay sa mga malalapit na eskwelahan."
Sagot ko.
"Pasensya ka na anak ha? Dahil sa kakaiba mong katangian, hindi ka tuloy makapag-aral."
"Ano ka ba Ma, okay lang. Ang mahalaga, hindi ko pa nakakalimutang magsulat at magbasa. That's good enough for me."
And I gave her an assuring smile.
"Kung pwede lang kasi sanang ako nalang ang naging ganyan anak. Kung pwede lang sanang akuhin ang iyong kakaibang katangian. Kaso, hindi pwede."
Mabilis na umagos ang mga luha ni Mama.
"Ma naman. Araw-araw mo nalang yang sinasabi. At araw-araw ko din pong sinasabi na okay lang po ako. Nagsusulat naman po ako ng diary kaya wag po kayong mag-alala. Hindi ko man talaga maalala, atleast nakastore padin yung memories ko sa mga diary ko."
Tumulo na din ang mga luha ko.
"Sorry talaga anak."
Lumapit na ako kay Mama tsaka ko siya niyakap.
Lumabas na ako sa bahay namin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Pero isa lang ang gusto kong mangyari, ang makagawa ng isang alaala na isusulat ko mamayang gabi.
Sumakay na ako ng jeep.
Naisipan kong pumunta sa mall. Gusto kong bumili ng bago kong damit. Gusto ko ding bilhan ng damit si Mama para sumaya naman siya kahit papano.
Tumigil ang jeepney sa may malapit sa mall. Inabot ko na ang bayad ko tsaka bumaba.
"Welcome Ma'am."
Bati sakin ng guard sa pintuan. Ngiti naman ang tinugon ko.
Naglibot-libot ako sa mall.
Yung feeling na parang first time kong makita ang mga manequins, ang mga amusement centers, ang mga iba't-ibang stalls kahit na alam kong ilang beses ko na tong nakita at napuntahan.
Napaupo ako sa isang bench.
Pinagmasdan ko ang bawat taong nakikita ko dito sa mall.
Napabuntong hininga ako.
Buti pa sila normal ang buhay. Naaalala nila ang bawat pangyayari sa kanilang buhay. Kahit good memories man yan o bad memories. Ang mahalaga, may memories padin silang trinetreasure sa mga isipan nila.
Tumayo na ako dahil sa nakaramdam ako ng gutom. Nagtungo ako sa isang fast food chain restaurant.
Sobrang daming tao. Grabe.
Naglakad lang ako hanggang sa,
"WHAT THE EFF? MISS ARE YOU FREAKIN' BLIND?"
Bulyaw sakin ng isang sobrang gwapo at hot na lalake. Gusto ko nalang kumanta ng oh chinito~
Pero syempre joke lang. Monster siya. Ayoko sa mga monster.
"Sorry po."
Yumuko ako.
"DAMN. SORRY? Maibabalik ba ng sorry mo yung natapon kong pagkain. And look at my polo, nabuhusan pa ng gravy!"
"Sorry po talaga."
I continued to bow my head.
Then bigla akong may nakitang white polo sa harapan ko.
"Labhan mo yan and bring it to me tomorrow, here, at the same spot and at the same time."
At bigla siyang nagwalk out, half naked, exposing his six pack abs. Gulp.
BINABASA MO ANG
Keeping the Memories
FantasyEvery time Memory Aura Gonzales wakes up each day, she can't remember what happened to her. But one day, she met Keeper Tolentino, the very strange guy whom she thought that will help her keep her memories. Can Keeper really help Memory keep her mem...