[A/N: The cover is made by yeolsingmachine. Kamsaaaa. (Yung book cover ngayon is gawa ko na.)]
"Sino ka?"
Tanong ko sa batang lalake na hindi ko maaninag ang mukha.
"Sino ka?"
Tanong ko ulit pero bigla siyang nawala.
Bigla kong minulat ang mga mata ko. Panaginip lang pala. Ngayon lang yata ako nagkaroon ng panaginip.
One strange thing to happen to me.
4:30AM na, at dahil sa nagising na din lang naman ako, I just stayed awake.
Pumunta ako sa closet ko to find something to wear mamaya pag lumabas ako.
Then I found a box underneath my hanged clothes.
Kinuha ko ito and may nakasulat na "Memory Keeper" sa ibabaw nito.
I got curious kaya binuksan ko ang box. Maybe it's a box where I used to store all my memories before.
And what's with all of this?
A doll and a robot.
A pink hanky and a blue hanky.
A clip and a sachet of gel.
Babae at lalake ba ang kasarian ko dati? Mahilig kaya ako sa robot at gel dati? I got puzzled and amused at the same time.
I've never known na ganito pala ako dati.
There were other things like coins, paper bills, a pen, clean sheets of papers and necklace with a letter 'M' pendant.
M as in Memory.
"Napapadalas yata ang paggising mo ng maaga Memory anak. At nga pala, ako si Aurora Gonzales. Ang Mama mo."
Pag-iinterfere ni Mama sa paghahalungkat ko.
She even introduced herself immediately.
"Nakasanayan na po siguro ng katawan ko ang gumising ng maaga Ma."
I said.
"Sige anak. Magluluto na ako ng almusal natin."
At lumabas na si Mama sa kwarto ko.
Iniligpit ko na din ang mga gamit sa Memory keeper box.
Nakabihis na akong lumabas sa silid ko.
Nakahanda naman na ang pagkain.
Bigla kong maisip na tanungin ang tungkol kay Papa.
"Ma, ano na pala ang nangyari kay Papa? Sorry kung natanong ko na to dati. Baka nasa unang part ng diary ko yun. Hindi ko pa nababasa."
Sabi ko.
"Bakit mo biglang natanong ang tungkol dyan anak?"
Tanong ni Mama.
BINABASA MO ANG
Keeping the Memories
FantasyEvery time Memory Aura Gonzales wakes up each day, she can't remember what happened to her. But one day, she met Keeper Tolentino, the very strange guy whom she thought that will help her keep her memories. Can Keeper really help Memory keep her mem...