Chapter 2

62 1 0
                                    

Napatingin ako sa mga lalakeng nasa sala. "Hehe. Hi sainyo!" Pinulot ko ang hotdog na nasa sahig sabay takbo pabalik sa kusina.

Inilagay ko ang plato sa lamesa at saka hingal na hingal na sumandal sa dingding habang nakahawak sa dibdib. "Ang pogi! Kaibigan kaya ni kuya 'yun?"

Sumilip ako ulit sakanila. Nagulat ako dahil napatingin sa gawi ko 'yung poging lalake. Agad din akong nagtago sa likod ng dingding para 'di niya ako makita. Pero sa tingin ko nahuli niya akong nakatingin sakanya. >__<

Bakit ba kasi ang pogi niya? Mas pogi pa siya kay kuya Dave na crush ko dati? Hihi.

"Blair."

"Ay mukhang tuta!" Sigaw ko.

"Sa itsura kong 'to? Mukha akong tuta?"

"Ee kuya naman kasi! Bakit ka ba nanggugulat?" Nakasimangot na sabi ko.

"Hinahanap ka ni Dave." Nangising sabi niya.

"Hay naku kuya! Pakisabi sakanya, hindi ko na siya crush. May iba na akong crush ngayon. Hihi." Sabi ko sabay tingin sa lalakeng kampanteng nakaupo ngayon sa sofa namin. Aba'y sige. Feel at home dude!

"Sino? si Gio?"

"Gio ang pangalan niya? Siya ba 'yung ikinukwento mo sakin dati kuya? 'Yung pogi, 'yung maputi, mayaman at saka singkit? Siya ba 'yun? 'Yung galing sa Cali? As in Gio Hudson kuya?" Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Yeah. Come here. Ipapakilala kita sakanya."

"Ehehehe.. Kaya lang kasi.. Nahihiya ako kuya eh. Ano, wag nalang."

"Bahala ka." Sabi niya at akmang aalis na pero hinawakan ko ang braso niya.

"Kuya naman. Hindi mo man lang ba ako pipilitin? Alam mo namang nagbibiro lang ako diba? Tara! Ipakilala mo ako dun sa pogi mong kaibigan!" Sabi ko at ako na mismo ang humila sakanya.

Pagdating namin sa sala. Tinamaan ako ng hiya. Naramdaman ko kasing nakatitig sakin ang mga bisita. Tumingin ako kay kuya Dave na ngayon ay nakangisi na. At kay Kuya Carmiel na nakataas ang isang kilay habang nakangiti. At kay Kuya Gio na hindi mo malaman kung seryoso ba o natatawa.

"Hi.." Ngumiti ako ng keme.

"Carmiel, did you bring any food? I'm hungry." Sabi ni kuya Dave na mukhang pinariringgan ako. Umirap ako ng palihim.

"Oh, sorry. I forgot to get some food. Wait. Kukuha lang ako." Tumalikod na ako sakanila. Pero bago pa ako makalayo. Tinawag na ako ng kuya ko. God!

"No Blair. You stay here." Sabi ng kuya ko. Eh! Nahihiya nga ako sakanila nila eh.

Do I need to stay here with them? Sana pala di nalang ako pumayag na ipakilala mo ako sakanila.

Pero siyempre di ko sinabi yun. Tumango nalang ako at saka naupo sa harapan ng mga kaibigan niya habang si kuya naman ay pumunta sa kusina para maghanda ng makakain para sakanila.

"So.. Umm. Napadalaw kayo?"

"Masama ba?" Sabay na sabi ng dalawa. Sino pa ba? Si kuya Dave at Kuya Carmiel. At si Kuya Gio, tahimik lang. But I dont like the way he STARES at me. Para siyang nandidiri.

Napasimangot ako. "The both of you really like to answer my question with another question huh?" Natatawang sabi ko.

Sasagot pa sana si Kuya Dave pero biglang tumunog ang cellphone niya. "Excuse me." Sabi niya at lumabas ng bahay.

Binalingan ko ng tingin si Kuya Carmiel. "So? Kamusta na ang Mr. Cassanova in town?"

"Eto pogi parin." Sabi niya at nag pogi sign pa. Pogi siya, pero mas pogi na ngayon si kuya Gio. ^o^

"wait! Jijingle muna ako. Maiwan ko muna kayo." And then he winked at me. So ganun? Iiwan nila kami.

AWKWARD.

Tumingin ako sa lalakeng nakaupo sa mismong harapan ko. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin.

"Hi!" Iniwagayway ko ang kamay ko na parang bata.

"Hindi ka ba marunong magsalita? Kanina ka pa tahimik." Tumawa ako. But he just rolled his eyes at isinandal ang likod sa sofa. "Kahit isang 'HI' lang, mahirap bang bigkasin 'yun?" Kunot noo kong tanong. But still, nakatitig lang siya sakin.

"I'm Blair."

Inilahad ko ang kamay ko para sana makipag shake hands. Pero tiningnan niya lang iyon. "Alam mo, pag di ka nagsalita, mapapanis yung laway mo." I said smiling from ear to ear.

"You're annoying.

Napatawa ako. Nagsasalita pala. Akala ko napipi na.

"I Know."

"Stop talking."

"Hindi ako mabubuhay kapag 'di ako nagsalita."

"Stop talking to me."

"Sungit." Lumapit ako sakanya. "You know what.. you're cute." Hinawakan ko ang pisngi niya at saka ito biglang kinurot.

"What the hell?!" Napatayo siya dahil sa ginawa ko. Habang ako naman ay maluha-luha na dahil sa kakatawa.

"Hahaha. Ang pula ng tenga at saka mukha mo! Hahaha." Hawak hawak ko ang tiyan ko habang tumatawa. Ang pula kasi ng mukha niya isama mo pa yung tenga. Para siyang malaking malaking KAMATIS!

"It's not funny." Seryoso niyang sabi.

Natigil ako sa pagtawa. "Ehem ehem. Sorry ^___^v."

"Tss." Umirap siya ulit at saka naglakad palabas ng bahay. Napasimangot ako. Pano ba naging kaibigan ni kuya 'yun?

"Hoy pogi ka lang! 'Wag mo kong susungitan dahil 'di mo magugustuhan pag ako nagalit!"

Hindi niya ako pinansin. "Sungit! 'Wag ka ng babalik dito!"

Hmm? Ano nga ba ang katapat ng mga taong masungit? Siyempre! Ang mga taong katulad ni Blair Kneal Ramirez!

-

Maikli parin ba? :3 so sorry.

-HashtagAYD

Unexpected DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon