Chapter 7

39 0 0
                                    

"What did you say?"

Nakatingin siya ng masama saakin. "Sabi ko. a-ah. Bakla ka ba? Pero wag kang mag-alala.. umm. Joke lang 'yun. Hehe. Alam ko namang lalakeng lalake ka eh. Hehe." Napakamot ako sa gilid ng noo ko. "Tara na. Diba may quiz bukas? Hatid mo na ako. M-magrereview pa pala ako. >__>"

Quiz?

Binuksan ko ang bag ko. Ngayon ko lang naalala. Nasa locker ang mga libro ko. Wahhhh! Ang sarap magmura. Asdfghjkl!

"A-ah. Gio."

"What?"

"Pwede mo ba akong samahan? Naiwan ko kasi mga libro ko sa locker eh. Please?"

Hindi siya nagsalita. "Kung ayaw mo. Okay lang. Pahiram nalang ako ng flashlight mo. O kaya cellphone. Ako nalang pupunta mag isa."

Ano bang sinasabi mo Blair? Sigurado ka bang kaya mong pumunta mag-isa?

BAHALA NA SI BATMAN.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at saka siya lumabas. Nakatingin lang ako sakanya.

"Bababa ka ba o hindi?" Masungit na sabi niya.

Nagulat ako. "Sasamahan mo ko?"

"Tss."

Dali dali akong bumaba mula sa sasakyan niya. Lumapit ako sakanya. Hawak hawak niya ang cellphone niya habang nakakailaw. Habang naglalakad kami. Nagsalita ako. "Wag kang lalayo sakin ah? Takot ako sa dilim."

Hindi siya sumagot.

"Magsalita ka naman!" Sigaw ko. Nag eecho pa ang boses ko sa lugar.

"Quiet."

Napakapit ako sakanya. "Let me." Naging seryoso ang boses ko. Boses na hindi pa naririnig nino-man.

"You okay?"

Tumango ako kahit alam ko namang di niya ako nakikita.

"Let's go back."

Ibinulsa niya ang cellphone niya dahil medyo maliwanag na din naman sa lugar kung nasaan kami.

"Teka. Pero pano ang mga-- ahhhhhray!"

"F*ck!"

.

.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Basta ang alam ko lang ngayon ay nakapatong na ako sa ibabaw ni Gio at nakatingin sa mata niya.

O.O

Ilang segundo pa ang lumipas bago mag sink-in sa utak ko ang mga nangyayari. Dali dali akong tumayo pero nakaramdam ako ng sakit sa may bandang paa.

Napaupo ako sa sakit. Tumingin ako kay Gio. "Gio masakit." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

Lumapit siya sakin. "Dont move."

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan ng isang kamay niya ang bewang ko at ang isa naman ay nakahawak sa likod ko. "You're heavy."

"Hindi ko sinabing buhatin mo ako."

"I wont let you walk with your feet like that."

Hindi ako nagsalita. Mabuti nalang at madilim ngayon. Hindi niya nakikita ang mukha ko kapag kinikikilig. Hihi.

Nakarating kami sa parking lot. Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya. Dahan dahan niya akong pinaupo sa passenger seat.

Pinilit kong gumalaw dahil di ako komportable. "I said don't move."

"Oo na po."

Isinara niya ang pintuan. Naglakad siya sa harapan ng kotse para sumakay sa driver's seat.

Pinaandar niya ang sasakyan. Katahimikan. Walang umiimik.

Nakarating kami sa tapat ng bahay. Lumabas siya ng kotse at naglakad papunta sa pinto ng passenger seat. Binuksan ko naman ang pinto para sana bumaba pero hindi kinaya ng paa ko. Napa aray ako sa sakit.

Biglang siyang lumuhod patalikod.

"Piggy back ride?"

"Sumakay ka nalang."

Sumakay ako sa likod niya. "Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ko.

Umiling lang siya.

"Sabi mo eh."

Ipinindot ni Gio ang doorbell. Bumukas naman ang gate at bumungad samin si manang lordes. Nanlaki ang mata niya dahil siguro sa ayos namin ni Gio. Bumaba ang paningin ni manang lordes sa bandang hita ko. Napatingin din ako doon. Napapikit ako. Naku naman.

"Gio. Ipasok mo na ako sa loob. Dali."

Pumasok na kami sa loob. Palinga linga pa ako sa paligid. Sana nasa taas na si kuya. Sana tu--

"WHAT THE FCK!"

Napatingin kami pareho ni Gio sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.

"Gio! Ibaba mo ang kapatid ko!"

Ibinaba ako ni Gio sa sofa ng dahan dahan. Napatingin ako kay kuya. Namumula na din ang tenga niya.

"NOW EXPLAIN!"

-

#AYD

Unexpected DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon