Chapter 3

59 1 0
                                    

Tumayo ako at pumunta sa kusina. "kuya! Ang tagal naman niyan! Nagugutom na ako." Nakita ko siyang nakatayo malapit sa sink at gumagawa ng sandwich.

"Bakit mo sila iniwan?"

"Sila kaya nang-iwan sakin. Ang sama sama nga nila eh, kuya 'di natin sila bati." Sabi ko habang nakanguso. Tumawa ng mahina ang kuya ko. "Anong nakakatuwa?" Tanong ko at tumayo sa tabi niya.

"Siguro hindi nila natiis ang kaingayan mo kaya sila umalis."

Habang gumagawa siya ng sandwich, sinundot ko siya sa tagiliran. "Kuya, masungit ba talaga 'yung Gio?"

"Kapag badtrip 'yun, wag mo ng kakausapin."

Tumango-tango ako. "Nangangain ba 'yun ng tao?"

Tumingin siya sakin. "Sa tingin mo?" Sabi niya at kinuha ang plato ng sandwich at saka naglakad. "Kumuha ka ng tatlong bote ng coke sa ref."

Dali dali naman akong kumuha. "Oo. Kulang na nga lang kainin niya ako ng buhay kanina kuya eh. Tapos sabi niya sakin annoying raw ako. Di naman eh." Nakasunod lang ako sakanya hanggang sa makarating ulit kami sa sala. This time, nakaupo na si Kuya Dave at Kuya Carmiel sa sofa. Nasan 'yung isa?

"Where's Gio?" Tanong ni Kuya Luke.

"Garden." Sabi ni kuya Dave habang nakatutok sa cellphone niya. "Tinawag ko, pero di namamansin. Tang-ina. May sapak ata 'yung mokong na 'yun." Natatawang sabi pa niya.

"Ah kuya! Tatawagin ko nalang po!" Bago pa siya nakapagsalita. Tumakbo na ako agad at pinuntahan yung lalakeng 'yun. Malayo pa ako sa garden pero natatanaw ko na siya. Nakaupo siya sa isang upuan doon na gawa sa kahoy. Nakatalikod siya sakin. Naglakad ako palapit sakanya. Pero dahan dahan lang. May balak kasi akong gawin. Hihi. ^___^

Anim na hakbang nalang. Gagawin ko na sana ang balak ko pero bigla siyang nagsalita.

"Stop right there."

Napahagikhik ako. "Paano mo nalaman na nandito ako? May mata ka ba sa likod?"

"I am not stupid, blair."

Tumabi ako sakanya. "Bakit ang sungit mo? Inano ba kita?"

"I don't like you."

"Hahaha. Sa tingin mo gusto kita? Haha. Hindi mo naman sinabi, magaling ka pala magpatawa."

Hindi na siya nagsalita. Siguro napikon sakin. Siya naman kasi, pinapatawa niya ako. Ee kilala niyo naman ako diba? Masayahin ako masyado. Haha.

"Nakahanda na 'yung meryenda niyo. Tara na." Nakangiting sabi ko.

Hindi ulit siya nagsalita. Aha! "Ayaw mo talagang magsalita?" Tinaasan ko siya ng kilay at saka ko hinawakan ang braso niya, pwersahan ko siyang itinayo at hinila.

"What the hell are you doing?!" Sigaw niya at pilit tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.

"Masamang pinaghihintay ang pagkain! Kaya halika ka na!" Hila hila ko parin siya. Hindi siya makapalag dahil siguro mas malakas ako kesa sakanya. Hehe. Ay joke!

Malapit na kami sa pintuan ng bahay. Huminto ako at humarap sakanya. Lumapit ako sakanya at madaliang inayos ang damit niyang gusot dahil sa pagkakahila ko.

"Umayos ka! Kung hindi, isusumbong kita sa kuya ko! Hmmp!" Sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad papasok ng bahay.

Pagpasok ko, nakatingin ang tatlo sa likuran ko.

"Bro! Ano nangyari sayo? Para kang ni rape!"

"Bro, sabihin mo nga, hinarass ka ba nitong si Blair?" Napatawa ang tatlo pwera samin ni Gio.

"He! Tumahimik kayo! Kumain na nga kayo. Dami dami niyong sinasabi!" Naiinis na sabi ko. "At saka hindi ko ni rape o hinarass si Gio. Ayaw sumama eh, kaya hinila ay hindi pala! Kinaladkad to be exact." Ngiti-ngiting sabi ko. Tumingin ako sakanya. Nakakunot na ang noo niya at ang pula pula na din ng tenga niya. Hala! Galit na!

Tumayo siya bigla. Naglakad siya palayo saamin.

"Teka Gio! San ka pupunta?" Pahabol na tanong ni Kuya Carmiel.

"In a place WITHOUT her." Sabi niya at tumingin sakin.

Napayuko ako. "Edi Sa sementeryo ka pumunta." Bulong ko.

"Shut up!"

Nagmake face ako.

"Tss."

Lumabas na siya ng bahay. "Sungit talaga nun." Sabi ko. Kumuha ako ng sandwich at saka kinagatan.

"Problema nun?" Tanong ni Kuya Luke. Ibinaba ko ang sandwich na hawak ko at saka tumayo.

"Ewan ko dun. O siya. Akyat na ako. Maliligo pa ako ee. Babye!" Patakbo akong umakyat ng hagdan. Isang hakbang nalang, malapit na ako sa pintuan ng kwarto ko ng biglang nagsalita si Kuya Dave.

"Kaya pala may naaamoy akong mabaho kanina pa." Pasigaw na sabi niya. At kahit nakatalikod ako. Nararamdaman ko, nakangisi siya. Isang ngising aso.

Tumingin ulit ako sa baba kung saan ang sala. "Excuse me lang ha? Kahit di ako maligo ng ilang araw, mas mabango parin ako sayo." Sigaw ko pabalik.

Binuksan ko ang kwarto ko. Sumandal ako sa pintuan at inamoy ang sarili ko. "Hindi naman ako mabaho eh."

Tumalon ako sa kama ko. "Tinamad na tuloy ako maligo." Sabi ko at inilagay ang unan sa mukha ko.

-

-HashtagAYD

Unexpected DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon