Chapter 11(edited)

27 0 0
                                    

Naglakad ako at naupo sa swing. Sumunod naman sakin si Gio. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakatingin sakin. Bigla akong nailang. "Baka gusto mong umupo no?"

Umupo naman siya sa swing na nasa tabi ko. Hindi na ulit ako nagsalita.Tanging ang ihip ng hangin at ingay lang ng mga tao ang naririnig sa paligid.

Umubo ako.

"Gio.."

"What?"

"Pwede mag tanong?" Napakamot ako sa ulo. May kuto ata ang bida niyo. Pasensya na po. -_-

"What is it?" Sabi niya at ngumiti sakin. Why sudden change Gio? Ilang beses na siyang ngumiti sa harapan ko ngayong araw.

Narealize mo na bang walang kwenta ang pagsusungit mo pagdating sakin?

"Wag kang magagalit ah? Kasi ano.. Yung babae sa wallet mo? Who is she?" Tanong ko. Curious lang ako kung sino 'yung babaeng maganda na nasa litratong nakalagay sa wallet ni Gio. Kasi hiyang hiya naman ang mukha ko sa mukha niya. Napakakinis. Kung magblush wagas! Pati noo nagblablush din. Napakalupet. "Girlfriend mo?" Pagpapatuloy ko.

Umiling siya at napatawa. Sabihin niyo nga? May pimples lang ako pero hindi ako clown. Pagtawanan ba naman ako?

Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko. "She's not my girlfriend."

"Eh ano? Crush? Kapatid?"

"She's the love of my life."

Napahagalpak ako ng tawa. "Hahahaha. Ang corny! Ang corny ng line niya! She's the love of my life." Ginaya ko ang boses niya.

Totoo nga ang sabi nila. Kapag inlove, nagiging corny. Pinatunayan 'yon ng isang taong nasa tabi ko ngayon.

Narinig ko siyang nag 'tss.' Pero di ko siya pinansin.

"She's the love of your life naman diba?" Nagpipigil ako ng tawa. "Bakit di mo siya ligawan? Hindi ka mahihirapan, Sa pogi mong 'yan? Sasagutin ka nun agad. Swear to god!"

Umiling siya. "Pag mamay-ari na siya ng iba."

Napa 'oh' ako. "Naunahan ka? Kawawa ka naman pala." Napatawa ako ulit. "Siguro hindi kayo meant to be. O kaya, baka pinaglalaruan lang kayo ni Destiny." Ngumiti ako.

"Do you believe in Destiny?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Aba oo naman no! Bakit ikaw? Di ka naniniwala?"

He shook his head.

"Naniniwala ka nga sa love eh. How come na di ka naniniwala sa destiny. Abnormal ka ba?"

Biglang lumakas ang ihip ng hangin. May biglang pumatak na tubig sa gilid ng mata ko. "Rain rain go away. Come again another day." Kumanta ako. Mukhang uulan pa. Nagsisitakbuhan na din ang mga ibang tao na nasa park para sumilong.

"Kanina ang init lang. Pero ngayon umuulan na. Ano bang problema mong panahon ka ha? Napaka bipolar mo naman! Mas masahol ka pa kesa dito sa katabi ko! Abnormal ka! Ang lupet lupet mo!" I shouted.

"Tara na, uulan na oh! Mababasa tayo."

"I want to stay here.." Tumingin siya sakin. Lupet ng araw na to. Promise.

"Di ako waterproof. Ikaw nalang. Sisilong na ako. Bahala ka diyan." Tumakbo at sumilong. May katabi akong babae at may kasama pang bata.

Pinagmamasdan ko lang si Gio habang nakaupo sa swing.

Ginusto niya 'yun eh.

Di na ako nakatiis. Tumakbo ako at lumapit kay Gio. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila. "Parang awa mo na. Tumayo ka na diyan. Please naman!" Hila lang ako ng hila sakanya. Halos nakaupo na ako sa damo pero di pa rin siya tumatayo.

Nakaramdam ako ng pagod. Umupo ako sa damuhan at tumingin ng masama sakanya. "Kapag nagkasakit ako, alam ko na kung sino ang sisihin ko."

Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko at pinagpantay ang mga mukha namin. "Stand up Blair. Uwi na tayo."

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi. Psh."

"Isuot mo yung jacket."

Tinanggal ko ang jacket na nasa bewang ko at saka isinuot. Mahaba naman siya kaya hindi na kita yung 'red' dun sa skirt ko.

Tumayo ako. "Tara?" Inilahad ko ang kamay ko.

"Let's go."

He grabbed my hand. Sabay kaming tumakbo at hingal na hingal na nakarating sa tapat ng gate kung saan kami lumabas kanina.

Dumaan kami sa exit. Sigurado akong di kami papapasukin ng mga guard dahil sa ayos namin.

Dumiretso kami sa parking lot. "Ihahatid mo ko ulit?"

"Ano pa ba?"

Agad akong sumakay sa loob.

"Stay here." Sabi niya.

"Where are you going?"

Hindi niya ako sinagot. Iniwan niya ako.

San naman kaya pupunta 'yun?

-

#AYD

Unexpected DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon