The Beginning

73 1 0
                                    

"Good morning world!"

Sigaw ko mula sa terrace ng kwarto ko. Wala namang makakarinig sakin dahil napakalayo ng mga kapit bahay namin. Hehe. So I'm free to shout all the time.

Masyado kasing madrama ang daddy at mommy ko nun. Kaya nung pinatayo nila itong bahay, dito sa masyadong tahimik. Mabuti nalang naging anak nila ako. kaya kahit papano di naging forever boring ang buhay nila. Haha.

"Hoy Blair! Ang aga aga! Ang ingay mo!"

Tumingin ako sa baba.

"Good morning kuya Luke! Nagising ba kita?" Sabay taas baba ng kilay ko. Nasa labas siya ng bahay kasama yung kamukha niyang aso namin. Si Potchie. Hihi. Ang cute cute.

"Kanina pa ako gising! Bumaba ka na. Kakain na tayo!"

Nagthumbs up lang ako sakanya. Pumasok ako sa banyo ng kwarto ko at saka naghilamos. Habang naghihilamos. Nahawakan ko ang mga pimples ko.

"Bakit kaya ang pangit ko? Ang pogi naman ni kuya. Ang ganda ni mommy. Sobrang pogi ni daddy. Sobrang cute ni potchie. Bakit ako, hindi maganda?" Tanong ko sa sarili ko.

Itanong ko nalang kaya kay mommy? Hmm? TAMA!

Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto. "Mommy!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. "Mom! May itatanong-"

*kablagggg!*

"Aray.." Sabi ko sabay himas sa pwet.

"kung hindi ka lang kasi tatanga tanga." Si kuya habang hawak hawak si Potchie. Sinimangutan ko siya. "Oh bakit?"

"Imbis po na dumada ka diyan. Ba't di mo po ako tulungan no? O kaya, kunin mo po 'yung cellphone mo tapos picturan mo ako. Tas post mo sa FB, instagram, o kaya sa twitter." Sarkastiko kong sabi.

Umirap lang siya saka niya ako linagpasan. Aba'y bastusan? Tumayo nalang akong mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong mo! Hmmp! Mukha kang tuta! >__<

"What's happening here?" Tanong ni mommy.

"Si Kuya po, sinipa ako sa pwet. Ansakit." Sabi ko habang nakasimangot.

"Bakit mo naman sinipa 'yung kapatid mo? Pano kung sumubsob siya sa sahig, edi madudungisan ang maganda niyang mukha." Natatawang sabi ng nanay ko. Oh holo! Sige lang mommy. Bola pa.

"Di ko po siya sinipa. Nahulog lang naman po siya sa hagdan. Pero wag kang mag alala mommy. Ok na po siya. Diba MAGANDA kong kapatid? Hahaha."

Mas lalo akong napasimangot. Madaya! Lagi nila akong pinagtutulungan. Humanda kayo kapag nandito na ang daddy ko. "Last niyo na 'yan ha?" Sabi ko at naglakad papasok sa kusina. Pero bago ako makapasok ng tuluyan, narinig ko pa ang huli nilang pag-uusap. Aalis ulit si mommy. May aasikasuhin daw siyang trabaho. Lagi naman eh.

"Manang ano pong ulam?" Tanong ko kay Manang Lordes.

"Naku anak. Masarap. Hotdog, bacon at saka ham." Natatawang sabi niya.

"Masarap nga!" Sigaw ko at agad na naupo. Nakataas pa ang paa ko habang kumakain. ^___^v ang sarap kaya kumain kapag nakataas ang paa. Diba?

Halos pitong minuto na akong kumakain ng may marinig akong boses mula sa sala. Boses ng mga kaibigan ni kuya.

"Hi bro!" Sa tingin ko, si kuya Dave ang isang to. Masyadong masayahin ang boses nun.

"Bro! What's up?" Hmm? Si Kuya Carmiel? Malalim ang boses pero masarap pakinggan. Hihi.

"Bro." Teka? Hindi masyadong familiar ang boses ng isang to sakin. Pero infairness huh, kahit medyo seryoso ang boses niya, na fifeel ko, napaka gwapo niya.

At dahil sa curious ako kung ano ang itsura. Kinuha ko ang plato ko at tumayo. "Kuya.." Sabi ko at sumubo ng isang hotdog.

Paglabas ko ng kusina. Ang kaninang hotdog na nasa bunganga ko, nasa sahig na.

BOOM NGANGA!

-

-HashtagAYD

Unexpected DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon