Chapter 2 - THE FEELS

8 1 0
                                    

Stacy's POV

Krrrrriiinggg!!!...
Krrriiiiiinnggg!!

Nagulat ako sa pag alarm ng aking orasan. Hudyat nito ay Alas syete na ng umaga. Tinatamad akong bumangon pero bigla kong naalala na alas otsyo pala ang aking unang klase.

"Stacy, anak bangon na ma la-late ka sa klase" sabi ni Mommy
"Eto na po My," tamad kong sagot dahil inaantok pa ako nang sobra.

Pagbaba ko sa aming kusina nakita kong nakapang alis na sila Mommy at Daddy. Pupunta silang Ilocos ngayon para bisitahin yung bagong bukas naming branch.

"Aalis na po kayo My?" kahit alam ko namang aalis na sila tatanong ko pa rin para naman magkaroon kami ng onting chit chat. " Oo anak, aabutin kami nang dalawang linggo dun. Kailangan kasi naming ayusin ng Daddy mo yung problema sa Kompanya"

"kumain kana anak at baka ma late ka sa klase mo" sabi ni dad

" Okay dad" matamlay kong sagot
"Anak nag grocery na kami kahapon ng daddy mo, just contact us if you need something so that we can deposit it thru your account"
"Okay, My. Thank you" sagot ko habang nginunguya ang bacon na niluto ni yaya.

"Oh siya, mauna na kami ng Mommy mo baka ma late kami sa flight" Pagpapaalam ni daddy sabay halik sa aking noo. Si Mommy naman ay niyakap ako ng mahigpit.

Pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa aking kwarto para magasikaso. At laking gulat ko na 7:30 na. 30 min. Na lang at mag i-start na ang first subject ko. Dali dali akong naligo at nag bihis. Pag baba ko sa garahe andun na si Manong Rey. Family driver namin siya simula bata pa ako.

"Good morning maam stacy" pagbati ni manong
"Good morning manong. Sabi ko naman ho wag niyo na akong tawaging Maam. Okay na po ang Stacy." Sagot ko

"Nako nakakahiya naman po. Pero kung dun po kayo komportable sige po"

"Tara na Manong at 10 min. Na lang ma la late na ako"
Buti na lang at mga 3 kalye lang ang layo ng school ko sa bahay namin.

"Maraming salamat po Manong" sabi ko ng makarating na ako sa school.
"Walang ano man Stacy" sagot ni manong ng may ngiti sa labi.

Pag baba ko palang ng sasakyan ay tanaw ko na ang malaking pangalan ng school na aking pinapasukan. St. Joseph Montessori School.

I'm taking up ABM strand. Currently grade 12 student. Hindi naman talaga ito ang gusto kong course kaso ako ang inaasahan nila Mommy na mag handle ng business namin since Only child ako nasa balikat ko ang responsibilidad na ipagpatuloy ang aming negosyo.

Takbo. Lakad. Takbo. Akyat. Ganto ang ginawa ko para makadating agad sa room ko na nasa 5th floor.

Kriiingggggg!!!
Hudyat na simula na ang klase. Hingal akong pumasok sa room namin. At laking tuwa ko na wala pa ang teacher namin sa English nang dumating ako.

Umupo ako sa pinaka likod ng room. Ayaw ko kasi nang sobrang atensyon at feeling ko mas komportable ako pag malayo ako sa mga tao.

While my classmate are busy talking to one another. Ms. Gonzaga suddenly enter our room. Then the noise stops and change by a silent one. Mistulang pati hininga mo maririnig mo dahil sa sobrang tahimik.

"Okay class. Our lesson for today is all about coping mechanism" panimula ni Ms. Gonzaga.

Dalawang oras ang tinagal ng English subject namin. Andito ako ngayon sa Rooftop ng school. Pagkatapos kasi kami i dismiss ni Ms. Gonzaga ay imbes na kumain umakyat ako dito sa rooftop.
Siguro nga coping mechanism ko na ang maging magisa para sumaya.

Dahil sa sobrang lakas ng hangin sa rooftop kinuha ko ang aking earphones sa bag at nag simulang mag play ng music. At hindi ko namalayan na napapikit na pala ako at nakatulog.

Naalimpungatan ako sa malakas na tawanan ng mga lalaki na hindi kalayuan sa aking pwesyo.
"Badtrip naman oh! Nagpapahinga yung tao eh!" bulong ko sa aking sarili habang inaayos ko ang aking buhok na nagulo dahil sa lakas ng hangin.

"Pre, nakita mo yung itsura ng babaeng lumapit sa atin kanina?" dinig kong sabi nang isang sikat na tao sa school. Justin de Villa.

"Oo pre. Nakakatawa ahahhaha" sagot naman ni Jerome Lazaro
Lalo ko pang narinig ang kanilang usap nang palabas na ako ng rooftop.

"Walang kaayos ayos yung babaeng yun pre. Kahit siguro bulag hindi yun mamahalin eh" Preskong sagot ni Romeo Cruz.
"Sinabe mo pa bro!" dagdag ng leader nila na si Dave Laviña.

Naglakad ako ng mabilis para makalabas na dito at nang hindi ako tuluyang manggigil sa mga lalaking to!

Tumakbo ako nang mabilis sa pinto palabas ng rooftop pero medyo malas ako ngayong araw nang ma untog ako sa dibdib ni Dave.

"Aray!" sigaw ko sa sobrang sakit
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!" pabalik na reklamo ni Dave habang salubong ang kilay at hindi mai drawing ang mukha.
Tinignan ko siya ng masama na dahilan upang magkatitigan kami.

May kung anong kaba akong naramdaman sa titig niya. It feels home yet I'm in trouble.

Nilagpasan ko na lang siya at dimiretsyo sa CR.

Ano yung naramdaman ko? Takot ba o Saya? Pero kung ano man yun alam kong delikado.
"Stacy! Gumising ka! Aksidente lang ang lahat" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin ng CR.

The End of Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon