Stacy's POV
Late na ako nakauwi ng bahay, sinabe ko kasi kay manong rey na wag niya na akong sunduin. Dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa rooftop mas minabuti kona mapagisa muna.
Pagkadating ko ng bahay sinalubong agad ako ni Yaya carmen.
"Oh iha bat ginabe kana. Nagluto ako ng ulam kakain kana ba?" Bungad na bati ni Yaya carmen.
"Hindi po ako nagugutom ya. Hindi pa po ba kayo aalis? Gabi na ho ah" sagot ko. Hindi kasi stay - in si yaya. May pito siyang anak na kailangan niya pang intindihin paguwi."Mauuna na din ako iha. Inantay lang kita para magpaalam."
"Ganun ho ba. Sige ya masyado na pong gabi"Pagkatapos umalis ni Yaya dumiretsyo ako sa kwarto, pag bukas ko ng pinto natukso agad akong humiga sa malambot kong kama.
Kulay purple ang walling ng aking kwarto. Pagpasok mo may makikita ka agad na malaking painting ng starlight na ipinasadya ni Mommy na ipa paint sa sikat na painter for my 18 birthday. May walk in closet din ako at sa tabi nun ay ang c.r. May kalakihan ang kwarto ko pero masyado itong malungkot at tahimik pag ako lang magisa.Pagbaba ko ng aking bag dumiretsyo ako sa c.r para makapag shower. Eto ang favorite part ko because its my private time to think of what bothers me the most. At habang nag sho shower hindi ko maiwasang isip yung naramdaman ko nung nagkatinginan kami ni Dave. May kung anong foreign feeling inside my heart.
"Hay Stacy!" bulong ko habang nag papadaloy ng tubig sa aking katawan.Nakapagbihis na ako at kinuha ko agad yung cellphone ko at earphones. Pupunta kasi ako sa balcony ng bahay na kung saan tanaw mo ang buong kalangitan at ang makikinang na bituin.
Sinaksak ko ang earphones ko sa aking cellphone sabay salampak nito sa aking tenga. This is the best part of my life. Listening to musics while watching the beautiful scenery of the sky.
Mahigit limang oras din ako sa balcony nang mapagdesisyunan ko na bumalik na sa aking kwarto.
Pero biglang kumulo ang aking sikmura. Breakfast pa pala ang huli kong kain kaya pumunta muna akong kusina. Tinignan ko kung anong niluto ni Yaya carmen. Adobong manok na may patatas. Lalong kumalam ang aking tsyan.Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang aking pinggan at umupo muna sa sala.
Before, this was the worst part of my life. Wherein it gives an atmosphere of being alone, that no one is there to be with me But now its a routine.
Routine that I need to keep fighting for my own because no one does.Habang nakaupo ako sa couch. Dinalaw na ako ng antok at pagod. Kaya umakyat na ako sa kwarto, sinara ko yung ilaw sa kwarto at pinalitan ng ilaw na ipinasadya ni daddy para ilagay sa kwarto ko.
Its a galaxy light. Binagsak ko ang aking sarili si kama at saglit na tinignan ang ganda ng ilaw na bumabalot sa buong kwarto ko. Tinignan ko ang orasan sa tabi ng aking kama, 11:00 pm na pala kaya ipinikit ko na ang aking mga mata."Mommy!!!! Daddyy!!" sigaw ko habang umiiyak
"Mom! Dad!!!" napapaos kong sigaw nang wala kong marinig na sagot galing sa kanila.
Naglakad ako patungo sa umuusok na sasakyan na tumama sa malaking puno ng mangga.
"Mom!!"
"Dad!??" Pagmamakaawa ko na sana sagutin nila ako. Halo halong emosyon ang nararamdaman nang aking puso. Nanginginig kong hinawakan ang bukasan ng sasakyang dala nila mommy.Duguan ang kanilang mga mukha, Puno nang sugat ang kanilang mga katawan at wala akong hingang naririnig mula sa kanila.
"WAKE UP MOM, DAD!" pagmamakaawa kong sigaw sa kanila
Bumuhos ang aking mga luha. Habang niyayakap ko ang malalamig nilang bangkay."Nooooooo!!" Sigaw ko at napa bangon sa isang masamang panaginip. Pawis akong gumising at napa tulala at dahan dahang kumawala ang luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
The End of Once Upon a Time
Genç KurguWhat if all the memories will fade? Friendship will end, What if your greatest secret will actually end all the sufferings. Are you willing to spill it out?