Chapter 5 - EMOTIONS

4 1 0
                                    

Stacy's POV

Hindi na ako nakatulog pagkatapos nang masamang panaginip na yun.
Alas tres pa ako gising kaya 4 hours pa akong tumunganga.

Nagpatugtog na lang ako para maaliw ko ang aking sarili. Kahit misan gusto ko ang konsepto nang pagiging magisa pero iba pa din pag walang wala kana talagang kasama sa buhay.

Krrriiiinngggg.....
Nagulat ako sa alarm clock ko. Dahil madami ngang tumatakbo sa aking isip hindi ko namalayan ang oras.
Dumiretsyo ako sa cr. at naligo na. Pagkatapos ay pinatuyo ko na ang aking buhok at nagsimulang suotin ang paldang maiksi at long sleeve na uniform namin. Kinuha ko ang aking bag at bumaba na sa kusina para mag almusal.

"Good morning Stacy" masayang bati ni yaya carmen.
"Good morning po ya" balik kong bati.
"Tamang tama may inihanda ako na toasted bread jan tas nagprito na din ako ng ham. Gusto mo ba ng gatas?"
"Wag na po ya. Pineapple juice na lang po." sagot ko
Agad namang kumuha si yaya ng juice sabay handa ng pagkain sa aking harapan.

Pagkatapos kong kumain lumabas na agad ako para hanapin si Manong Rey. Nagpupunas siya ng sasakyan nang makita niya ako at agad ngumiti bilang pagbati.
Pumasok agad ako sa kotse ng tamad at inaantok.

15 min. lang ang byahe simula bahay hanggang sa school. Pagpasok ko ng campus dumiretsyo akong c.r para tignan kung halata ba ang maga kong mata dahil sa pagiyak.

Hindi siya halata kung sa malayuan dahil nilagyan ko ng concealer para matago ang maga.
Nagsuklay ako ng buhok at lumabas na para pumunta sa aking classroom.

Accounting Management 2 ang first subject namin at makikita ko na naman si Dave, ditong subject ko lang siya classmate kaya medyo nagdadalawang isip akong pumasok pero kailangan kasi may kahirapan ang subject na to.

Nasa hallway pa lang ako dinig ko na ang ingay ng mga classmate kong lalaki na nagtatawanan. Hudyat na hindi pa ako late.

"Tol ano? G mamaya pustahan Mobile legend?" dinig kong sabi ng isang lalaki
" Oo pre G ako jan. Magkano ba pusta? " sabi nung pangalawang lalaki
"1500 daw bro" sabi nung naunang lalaki.

Dumiretsyo na ako sa upuan ko para hindi ko na marinig yung usapan nila.
Pagkaupo ko nilagay ko agad yung earphones ko sa tenga. Ewan ko ba parang nawala ang energy ko pag maingay ang kapaligiran. Habang nakikinig ako napatingin ako sa pinto ng room nang... Saktong pumasok si Dave at ang tatlo niyang kaibigan.
Nanlaki ang mata ko nang umupo sila sa likod ko.  " Kalma Stacy tao lang din yan. Di yan nangangain" sabi ng utak ko.

"Okay class, Good morning!" Bati nung teacher namin.
Dali dali ko namang inalis yung earphones ko at nilagay sa bag.

1 oras at kalahati ang tinagal ng discussion. Pero ni isang lesson walang pumasok sa isip ko dahil sa bwisit na Dave na to! Pero teka bat ba ako ganto wala namang dapat ka praningan, aksidente ang lahat kaya walang kahulugan yun.

"Okay class, we will continue this lesson next meeting. You can have your break" Sabi ni Ms. Lopez

Sa wakas binanggit niya na din ang magic word na kanina ko pa gustong marinig.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas nang biglang may humila sa aking braso. At sino pa ba kung hindi yung nabunggo ko sa rooftop.

"May nakalimutan ka yatang sabihin?" sabi ni Dave
Nagtatakang Facial Expression lang ang sinagot ko.
"If someone did a wrong thing. She should APOLOGIZE!" dagdag niya
"First, I did not done anything wrong to someone, especially to you. Second, let me go coz your wasting my time" Maldita kong sagot sabay hugot ng braso kong hawak niya at walk out sa room.

Grabe yung kaba ko dun. Parang mag kaka hear attack ako kung nagtagal pa yun. Kala mo kung sino! Dederetsyo na lang ako sa field baka nasa rooftop yung mga yon eh.

Nagbaon ako ng sandwich kaya hindi ko na kailangan pumunta sa cafeteria. PE ang last subject namin at tinatamad akong pumasok sa subject na yun, nawala ako sa mood dahil sa nangyari kanina.
After finishing my food lumabas na ako ng campus para pumunta sa hidden place ko, since 6:00 na maganda na yung scenery dun.

Welcome to highlands place! I feel refresh whenever I am here kasi tanaw ko ang buong city. Dahil nga sobrang taas nito yung mga street lights sa city is like a stars that falls down in the road.
Whenever I feel disappointed, sad and alone I usually go here. Dahil nga madalas ako dito kilala na ako ng mga workers nang lugar na to.

"AHHHHHHHHHH!" Sigaw ko para kumawala ang ano mang emosyon na nakatago sa puso ko. Hingal ako pagkatapos sumigaw at nagulat ako ng may luhang kumawala sa aking mga mata. Its a tears coated with mixed emotions and filled with confusion.

Napahiga ako sa damuhan dahil sa emosyon na nararamdaman ko. I look on the stars in the sky, its like they also feel what I'm feeling right now  Because of the different shine they are showing to me.

I wish I can face my true feeling!

The End of Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon