Stacy's POV
10:00 na ng gabi at napagdesisyunan ko na umuwi ng bahay. Halos kalahating oras ang byahe bago ko narating ang bahay.
Wala na si manong rey at yaya carmen sa bahay, hindi na nila siguro ako na antay dahil sa sobrang tagal ko.
Madilim ang buong bahay at ang chandelier lang sa sala ang nag bibigay liwanag sa buong mansyon.Umupo muna ako sa sofa dahil sa sobrang pagod sa byahe. My soul was totally drained due to over thinking. Ganon ba kalaki ang epekto sakin ni Dave?
Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali dali ko itong kinuha sa loob nang bag.
*Mom* ang lumabas na pangalan sa aking screen.
"Mom?" Bungad kong salita pagkatapos sagutin ang aking cellphone.
"Stacy anak kamusta ka jan?" May pahid na pagaalala ang tono ni mommy
"Okay lang po, mom. Kayo po ni Dad?"
"okay din naman. Aalis na kami bukas ng ilocos pero dadaan muna kami sa pampanga para tingan yung site na pinapatayo namin."
"Ahh ganun po ba mom. Take care po. See you soon" pagod kong sagot
"sige anak, magiingat ka jan ha. Love you"
"Okay po mom. Love you too"Pagkapatay ko nang aking cellphone dumirestsyo na ako sa kwarto. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana.
Pagkatapos kong magbihis humiga na ako sa kama at binuksan yung galaxy light. Nilagay ko din sa tenga ko yung earphones at nag patugtog
But I got high hopes
You take me back to where we started
High hopes
When you let it go, go out and start again
High hopes
When it all comes to an end
And the world keeps spinning, aroundMaigi kong pinakinggan ang kanta ng kodaline na High hopes. Napaka meaningful kasi niya at ang calm nung tone. Its like whenever I am listening to it, I gain lots of hopes and motivation.
Yung feeling na gusto mo na matulog pero hindi ka makatulog! Kaya bumangon ako sa kama at pumunta sa balcony. Walang gaanong stars ngayon kasi maulan. Kaya nag open na lang ako ng aking facebook account, madaming friend request pero hindi ko ina accept, hindi ko naman kasi sila kilala. Nung binuksan ko yung messages may isang message request galing kay...
*Dave Laviña message you*
BAT NA NAMAN BAAAA!???
In-accept ko ang messsage request niya at inopen ito."Hi!. Can we meet at the cafe in front of school tomorrow after class??"
"I can't. " reply ko. Na may pagaalinlangan kasi parang gusto ko na makipagkita pero parang ayaw ko din.
"Why? I just want to say something"
Reply niya na wala pang isang minuto.
"I just can't."
"Okay. Just to let you know you are the first woman who declined my offer. Ouch!" Sagot niya na parang nagmamaka awa na ewan! May pa konsensya pa na sad emoji
"Okay?" wala kasi akong ma isip na isasagot kaya Yan na lang
"But if you changed your mind please let me know. Hope it changed"Hindi ko na siya ni replyan at ni log out ko na yung account ko. Pumasok akong kwarto at humiga sa kama.
Habang naka tingin sa mga ilaw ng galaxy light napaisip ako, kung pupunta ba ako o hindi.
I can't kasi takot ako at sana masabi ko yun sa kanya.Pinilit ko na lang ipikit ang aking mata at nag antay na makatulog.
BINABASA MO ANG
The End of Once Upon a Time
Ficção AdolescenteWhat if all the memories will fade? Friendship will end, What if your greatest secret will actually end all the sufferings. Are you willing to spill it out?