"Tara batiin natin ang bagong presidente."pangangakit ni Neil kina Tj.
May napansin sila kay Tj nang papalapit na sila kay Charee.
"Teka bro,ayus ka lang ba?Bakit ang lamig mo?Saka bakit namumutla ka?"tanong ni Aj.
"Siguro magdamag yung naka-aircon kagabi.Baka lalagnatin lang yan."sabi ni Kirk.
"May crush ka ba kay Charee?"tanong ni Aj kay Tj.
"Nalove at second sight nga ako dun eh."sagot ni Tj.
"Woooow!!Ayus ka lang?Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"pinagtawanan siya ni Aj.
"Bakit si Charee?Humanap ka na ng iba.Si Jandie na lang.Maganda pa."tinapik ni Kirk si Tj sa balikat.
"Cute kaya si Charee."sabi ni Tj.
Nang magbakasyon si Tj sa probinsya ng kanyang ina ay atat na atat siyang magpasukan para muling makita si Charee.Pagdating ng araw ng kanilang enrolment ay nagkakwentuhan sila nina Aj.
"Mahal mo pa ba si Charee?"tanong ni Neil kay Tj.
"Hindi na,"sagot ni Tj na palingon lingon kung saan saan.
"Si Charee o."sabay turo kung saan si Neil.
"Asan?"tanong ni Tj.
"Gago!!HIndi pala ha.Kung makapaghanap ka at makapag-papogi wagas."sinapok ni Neil si Tj.
