CHAPTER 3

43 2 0
                                        

Nang magpasukan,si Charee agad ang hanap ni Tj.Habang nagpa-flag ceremony ay kung saan saan siya lingon ng lingon.

"Gulo naman nito.Sino bang hinahanap mo?Si Charee ba?Ayun o,kausap si Jandie."Itinuro ni Neil kung nasaan si Charee.

"Aba,tumatangkad ata siya a."napansin ni Tj na tumaas si Charee ng kunti.

"Tanga ka ba?Nakaheels siya.Ayun o.Gago!!"sabi ni Kirk.

Tuwing recess ay laging nakikita ni Tj si Charee.Hanggang tingin na lang siya dahil sa sobrang torpe niya.Recess noon nang pumunta si Charee at si Gen sa room nina Tj para kunin sa kanilang treasurer ang mga bayad sa acquaintance party.Busy si Tj noon sa pagrereview ng chemistry nang sutsutan siya ni kielle at kumumpas na tila itinuturo ang labas ng kanilang room.

"Si Charee."sabi ni Kielle kay Tj.

Agad tumingin sa labas ng room nila si Tj.Nagulat siya nang makita niya si Charee na nasa right side pala ng teacher's table.Napansin ni Kirk ang pamumutla ni Tj.Naisipan ni Kirk na lumapit kay Charee.

"Charee,si Timothy James Sto. Tomas nga pala.Crush ka."nakaturo ang kamay ni Kirk kay Tj.

Nakangiti naman si Charee kay Tj.Saglit na tumingin si Tj kay Charee at ng makita niya itong nakangiti sa kanya ay napatungo siya dahil nahiya siya.

Immaculate Concepcion AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon