KABANATA 2

149 8 4
                                    

Pagkatapos naming kumain agad akong naghugas ng plato at derecho na sa kwarto at kinuha ko ang gitara ko at tumugtog para bukas, bukas kasi kami magpe-perform sa music kaya kailangan kong mag-practice ayaw ko naman na mapahiya sa team mate ko.

Pagkatapos kong nag-practice natulog na ako.

**

Kinabukasan maganda ang gising ko, ewan ko lang kung natiyempo lang ito, may kaya kahapon at ang ganda ng gising ko ngayon? O baka naman excited lang ako dahil sa music? Ay ewan!

"Muka yatang maganda ang gising ng Bestfriend ko ahh!" Salubong saakin ni thea pagpasok nya sa room. "May nangyari bang maganda kahapon at kung maka-ngiti ka dyan parang mapupunit na yang labi mo." Ngumiti lang ako sakanya.

"May iku-kuwento ako mamaya sayo.." sabi ko.

Buong klase akong naka-ngiti parang naka-plaster na yata itong ngiti sa aking labi, kaya ng dumatin na ang lunch break syempre deretcho sa canteen..

"Uy! Ano na iku-kuwento mo?" Sabi nya pagkaupo palang namin.

"Ganito kasi yun.." pag-uumpisa ko. "Nung naghiwalay tayo kahapon diba,"  tumango naman sya. "Habang naglalakad ako pauwi may tumawag saakin tapos tinatanong nya ang pangalan ko-----"

"LALAKI BA!!?ANO? GWAPO BA?!!" Halos maagaw na namin lahat ng attention ng nasa canteen dahil sa biglaang pag-sigaw nya.

"Pwedi ba wag kang maingay.." bulong ko at itinuloy ko ang pagku-kuwento ko sakanya.. detailed na detailed talaga.

"Huy! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." At ngumuso sya.. "yung kanina! Yung kung gwapo ba!"

"May dating sya sakin, alam mo naman siguro yung mga tipo kong lalaki diba?" Tumango tango naman sya hanggang sa maka-pasok kami, at hindi na muling nag-usap pa.

**

Pagkatapos ng klase maglalakad na naman kami kaya habang naglalakad talak naman ng talak itong si thea, hindi ko naman maintindihan kung ano ang sinasabi, dahil wala naman akong ibang ma-isip kundi yung lalaki sa itaas ng nitso kahapon, ano kayang pangalan nya? Ilang taon na kaya sya?, Kasi ako magsi-sixteen na ako this coming January.

"Huy! Hindi ka naman yata nakikinig eh!" Sigaw nya at ngumuso.

"Nakikinig ako, oh? Tapos anong nangyari?" Tumawa ako dahil hindi naman talaga ako nakikinig sakanya..

"Anong tapos anong nangyari ka dyan!!" Iritang sabi nya sabay padyak ng paa nya.. isip bata eh.. "naghihingi ako ng payo!!" Sabi sabay talikod saakin.

"Ano bang payo ang gusto mo?" Naka-ngising panunuya ko Sakanya.

"Wag na!! Bukas nalang dito na ko... Bye!!" Tapos kumaway naman sya at ganon din ako.

Habang naglalakad ako, tinitingnan ko ang nitsong inupuan nya kahapon... Sino kayang inaabangan nya?

"Oh? Para sayo!" Kumalabog ang puso ko dahil sa gulat.

"A-ano toh?" Takhang tanong ko sa sobrang gulat ko ng iabot nya saakin ang rosas na kulay pink na hindi pa masyadong bukadkad..

"Bulaklak malamang ano pa bang ibang tawag dyan.." ngumuso sya sakin.. "kung saan saan pa ko naghanap nyan.. alam ko kasing dadaan ka dito kaya pinaghandaan ko lang sa muli nating pagkikita.." sabi nya sabay iwas ng tingin..

"S-salamat" nang akmang kukunin ko na ito sa kamay nya ay nangamba ako kung saan ko hahawakan, ayoko namang hawakan ang kamay nya baka anong isipin nya saakin, kaya mapagdesisyunan kong hawakan nalang sa may petals.. Nanghawakan ko ang petals ng bulaklak. Nanindig lahat ng balahibo ko at kumalabog ang puso na para bang binabayo ito.

Hindi ko ipinahalata ang kabang nanonoot sa kaloob-looban ko, teka bakit ba ako natatakot sakanya? Eh mabait naman sya at hindi sya nagte-take advantage sakin kung ibang lalaki na to baka kung ano anong gawin saakin.

"Teka ano palang pangalan mo?" Tanong ko kaya napahinto ako sa paglakad gayundin sya.. "I mean, Ikaw.. Alam mo na ang pangalan ko kaya ko tinatanong yung sayo.." Tinititigan nya ko... Sa paraan ng pagtitig nya saakin ay parang ipinahihiwatig nito na isa akong prinsesa na dapat ingatan nya.. Bumulis ang tibok ng puso ko..

" John.." huminto sya at pumikit ng mariin.. " John Allen constantino... Ngayon alam mo na... Please.. wag mo akong iwasan please?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Bakit ko naman gagawin yon? Hahahaha.. hindi noh!" Sabi ko kaya napangiti naman sya.. ang gwapo nya shete!

"Ahmm.. sige hanggang dito nalang din ako babye.." this time nakaharap ako sa kanya kaya alam kong umalis na sya nang mawala na sya sa aking paningin... Agad ko namang ipinagpatuloy ang aking paglalakad habang inaamoy ang bulaklak na ibinigay nya saakin.

"Iwasan mo ang lalaking iyon ineng!" Sabin ng isang matanda saakin sa nakakatakot na tinig.

"S-sino po lola?" Takhang tanong ko.
"Iyong kasama mong lalaki kanina hija, hanggat maaga pa iwasan mo na sya.. sa tingin ko ikaw ang napili nya." Sagot nya.

"H-huh bakit po lola? W-wala po akong alam sa sinasabi nyo---" naputol ang sasabihin ko ng may tumawag Kay Lola.

"Lola nandyan ka lang pala halika na iuuwi na kita." Lumapit naman iyong lalaking marahil kaedad ko lang.. "pasensya na ahh... May sakit kasi sa utak ang Lola ko, kaya kung ano man ang sinabi nya sayo huwag mo nalang intindihin." Sabi nya at inakay ang lola nya.

"Hija.. napaibig mo sya.. kaya magi-ingat." Binawal naman sya nung apo nya. "NAPA-IBIG MO SYA!! KAYA MAGI-INGAT KA!! .... BAKA SA HULI PAGSISIHAN MONG INIBIG MO DIN SYA!!!" Pahuling habilin ni lola bago sila mawala sa paningin ko.

Buong gabi... Buong gabi kong iniisip ang mga salitang iniwan saakin ni lola, ano kayang ibig sabihin noon?, Haysst.. ano kaba Bianca sinabi ng may sakit sa utak yuon eh.. matulog ka na nga!!

His Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon